Nagligpit ako ng mga gamit ko at nagpasyang umuwi na.Mabuti na rin lang at lumayas na rin ang nambwiset sa akin na si Mr. Lance Espinosa
Hindi ko alam kung ano ang trip nang isang yun.Panay ang tanong sa akin nang kung anu-ano.Malapit lapit ko na nga sanang sabihin na may anak na ako para madis appoint siya.Kung iisipin ko na may gusto yun sa akin sa unang kita pa lang namin,parang imposible naman.Sa totoo lang kasi magandang lalaki din si Mr. Lance.Walang itulak kabigin sa kanila ng boss ko palibhasa magpinsan.Dedepende na lang kung sino ang makakalamang kung ano ang sa tingin mo ay mas magandang lalaki.At syempre mas maappeal pa rin sa akin ang Gwapong Boss ko.Na syempre pagsintang parurot lang yun.Hanggang dun lang,at wala akong planong dagdagan.Alam ko kung asan ang langit at lupa.Hanggang tanaw lang sila sa isat isa.parang ako at si Boss.Cannot be.
Kakalabas ko lang sa Opisina at nag aantay nang masasakyan ng may tumigil na sasakyan sa tapat ko.Masyadong makintab ang black naSUV,siguroy bagong bili pa lang.Tinted ang sasakyan kaya di ko alam kung sino ang nasa loob.
Nagulat na lang ako ng bumaba ang tinted na salamin ng bintana ng SUV at mukha ni Sir Lance ang bumungad sa akin.
Ano na naman kaya ang ibig nang lalaking ito.Akala ko ba titigilan na ko nito bakit heto na naman.
"Ihatid na kita." pagkuway sabi ni Sir Lance sakin.
"A-Ah naku, Huwag na ho.Nakakahiya naman." tanggi ko sa lalaking ito na nasira o lumabo ata ang mata.Bat ba ako gustong ihatid bigla bigla ng magaling na lalaking ito.
"I dont accept a No for an answer.Bihira lang ako magpresintang maghatid.Sana paunlakan mo naman ako.please.." Lance lips curved for a half smile,para ring ngpapuppy eyes pa.
Bakit ba ang hirap himindi.Lalo pinsan pa ito ng Boss ko.
Bago pa ako mkasagot ay bumaba na ito ng sasakyan at hinawakan ang kamay ko iginiya papunta sa kabilang pinto at ipinagbukas ako ng pintuan ng Sasakyan.
Nasumpungan ko na lang ang sarili na nasa loob na at nakupo.
Umikot pabalik sa driver seat si Sir Lance at sumakay na ulit.
Bago niya paandarin ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.Nahulat naman ako at nagkandautal ng palapit na ang mukha niya akala ko sa leeg ko ang dako.
Nakita kong inabot niya ang seatbelt.
"Wear you're seatbelt always." akma niyang ilolock pero inagaw ko na rin na kahit natataranta.
"A-Ako na ho Sir." akala ko talaga aamuyin niya ako or something.Huh!Asa ka!
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Matarantahin ka pala.Buti hindi sa oras ng trabaho.Kundi pihado masisigawan ka ni Lester." sabi nito na sa kalsada na nakatingin.
"Hindi naman ho.Eh kayo kasi bigla kayong lumapit.Nagulat ako." sabi ko kasi parang mahirap magsinungaling.
"So i am right..may iba kang naisip sa pagdukwang ko.?" may pilyo na naman at pang asar na tanong ni Sir Lance sa akin.
"so ganito ho ba kayo sa mga sekretarya ng pinsan niyo?" bweltang tanong ko naman sa kaniya kasi presko siya.Hindi nakakatuwa.Masyadong Pabida.
"Actually,hindi naman sa sekretarya lang niya.Sa sinumang babae na mapupusuan nang mata ko.I mean type kita sa unang kita ko pa lang sayo." deretso niyang sabi sa mukha ko,Tapos ibinalik ulit sa kalsada ang tingin.
Papatayin ata ako sa puso ng isang to.Nakakabigla at walang preno ang bibig.
"So ibig niyong sabihin,gusto niyo ko ganun? tanong ko panlilinaw sa sinabi niya.
"Yeah,at ako ang taong pag kursunada ko,sinasabi ko agad.Kung wala akong pag asa..di mas mabuti na di na lumalim pa iyong paghanga ko di ba?Kaya sinasabi ko sayo na gusto kita."
Hindi ako makakibo at inaabsorb sa utak ko ang sinabi nito.Kasi parang sing bilis ito ng Hold up.Bigla bigla na lang na kakabahan ka pag sinabi sayo.
"Pasensiya na ho sir.Magkaiba ho kasi tayo ng point of view sa buhay.Ako ho kasi nadala na.kaya kinikilala ko na maigi ang isang tao.Hindi ho ako basta naiimpress lalo at kakikilala ko pa lang.At FIY po..baka nabibigla lang ho kayo.Nakakahiya man pong sabihin..Single Mother ho ako." tuloy tuloy na sabi ko. Bahala na si Batman.Pero dapat ko ng sabihin nang maaga.
Pansin kong bumagal ang takbo ng sasakyan.Siguro katulad ng inaasahan ko.Matuturn off si Sir sa katotohanan na may anak na ko.At salamat kung tatantanan na niya ako habang maaga pa.
"Di ata ako naniniwala sa sinabi mo."Narinig kong sabi niya.
"Bat ba lahat kayo di naniniwalang may anak na ko.Hindi na ako inosinte.naka 3 boyfriend na rin ako at naloko nilang lahat.Itong huli na pinagkatiwalaan ko ng sarili ko ayun..di na nagpakita sa akin.Di nga yata alam kung may anak kami o wala dahil naglahong parang bula." lumukot ang mukha ko sa pagkakadismaya sa nangyari sa buhay ko.
"My trust issues ka pala.But i really like you.So maybe not a lover by now..we can still be friends.I dont mind,kung boss ba ako or employee ka.I just like you." mapilit talaga ang isang to.
"Kabaliktaran pala kayo ni Sir Lester.Kasi siya madaldal lang pag nakainom.Pero pag ganitong kasama niya ako kahit sa trabaho ay di man lang ako pansinin at kausapin." pagkuway sabi ko.
Nag isip siya at tumango tango.
"So i think,type ka ng pinsan ko.Sabi mo di ka niya kinakausap." sabi sakin ni Sir Lance.
"Huwag niyo nga akong niloloko.Imposible naman yang sinasabi niyo.Paulit ulit na lang ho tayo.Di nyo dapat gustuhin ang isang tulad ko.Marami hong dalaga diyan.Huwag ho ako..Ayaw kong lalo akong mapagsalitaan ng hindi maganda ng mga tao.Alam niyo na." nakayuko na ako.Kasi ramdam ko na naman ang parte ng sarili ko na nakakapanliit sa akin.Kung sana naging matalino ako sa pagpili ng lalaki at di basta bastang nagpadala sa init nang katawan di sana kahit mahirap ako at least may virginity pa ring maipagmamalaki sa mapapangasawa.Di tulad ngayon anong pang silbi nang tulad ko,di na nga virgin..may anak pa.Lalong sampal sa magiging asawa ko na may anak ako at ibig sabihin lagi na lang silang pangalawa.May nauna na at laging ipapaalala ng anak ko ang nangyari sa buhay ko.Hindi ko alam kung may tatanggap pa samin ng buong buo at di isusumbat na may anak ako sa una.Kasi sa dami na ng mga kakilala kong may anak sa una laging pinag aawayan sa huli ang ganyang issue.Pag di na virgin nakuha minamaliit na,inaapakan pa.Siguro kung mayaman ako.Baka sakali na marami ang maghabol pa rin.Kasi sa Yaman na lang..eh mahirap ako..Anong mapapala nila sa akin?Wala.
"Dont make yourself worry too much.Hindi kabawasan ng pagkatao kung dalagang ina ka.Mas nakakaproud ang isang tulad mo.Piniling iluwal at buhayin ang anak.Kesa sa mga babaeng nagpapalaglag dahil ayaw ng obligasyon o kaya ayaw mahadlangan ang pangarap nila.Sila ang mga mamamatay tao.So huwag mong laitin ang sarili mo.Dont pity yourself.You must be proud na Ina ka na.The true essence of a woman is to bear and raise a child." mahabang paliwanag ni Sir Lester.Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.May word of wisdom pala ang lalaking ito.Hindi ko akalain na ganito siya mag isip.Akala ko puro pambobola lang ang alam.
"Salamat sir,Napakabait niyo pala." pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.
"Teka hindi ho ito ang papunta samin." napansin ko na iba na ang ruta namin.
"Kakain lang tayo,tapos hahatid na kita." sabi ni Sir Lance.
Ipinark niya ang sasakyan sa isang Chinese Restaurant.
Okey rin itong si Sir,iba rin ang trip sa pagkain.
Pagkapasok namin ay tinanong niya ako kung anong gusto kong kainin.
Tiningnan ko ang menu at parang natakam ako sa sweet and spicy chicken.Kaya yun na lang ang sinabi ko.Ngunit may inorder pa si Sir Lester na Chinese style mami.nang nilapag ng waiter ang soup ay natakam ako sa amoy niyon.malalaki ang noodles at may halong gulay at siomai na hipon sa gitna.Masarap at talagang nabusog ako,lalo pat may rice and sweet and spicy chicken pa ko na inorder.Buti na lang tama lang ang anghang ng chicken.Kaya ko Anghang.Siguro ay maganda rin pala na tumikim ako ng mga maanghang..nakakagana siya basta yung tama lang.
Nagpatake out pa rin si Sir Lester ng 5 steamed siopao.Pasalubong daw sa anak at magulang ko..Ang bait talaga..pag ganito siguro si Sir Lester sa akin..Mafafall na ko,Head over Heels..
Ang kaso itong pinsan niya nagtapat na type ako..wala namang appeal sa akin..
Pero pwede naman daw maging magkaibigan.Okey na okey sa akin..lalo galante at mabait..
Kung bakit mahirap pa rin talagang magtiwala.Hindi ko makapa sa puso ko ang kiligin.Puro takot ang laman ng puso ko.Takot na masaktan at maloko na naman.Ang hirap makawala pag natrauma ka..randam na ramdam ko pa rin ang sakit kaghit 3 taon na sng nakalipas.
(R.R)