Hyacinth PoV
Hindi pa rin ako mapalagay kapag lumalapit si Sir Lester sa akin.Damang dama ko pa rin ang pagka awkward sa pagitan namin at halos di ako makatingin sa kaniya.Nakakahiya naman kasi makakita ng lalaking halos hubad na.Kahit pa naman ay may tapis iyon ng tuwalya.Naiimagine na niya ang mga model na lalaki sa isang brochure na pang Mens Underwear..May umbok doon.
Ang halay ng utak niya sa isiping umbok na yun,grabe bukol na bukol.Tayo na kaya iyon.?
Erase!erase!
Para na kong tanga na kinakausap ang sarili ko.Pero ganun pa man maayos ang lahat ng trabaho ko dapat.Wala naman itong masyadong reklamo sa sa akin.Natutunan ko na rin panu mag-arrange ng mga schedule ng meetings nito.Kahit na nga minsan nahihirapan ako sa pag english english dahil di naman talaga nag iispokening dollar sa bahay namin,pero i can easily adopt to her my new environment,As his secretary.
Bago mag uwian ay tinawagan niya ako gamit ang intercome.Pagkaba ng reciever ay kumatok agad ako sa pinto nito.
"Come in." anang Baritonong boses.
Dali dali akong pumasok sa pinakaopisina.
"Bakit po Sir?"Tanong ko at nakatingin sa mukha nito pero parang lagpasan din lang kasi nga nakakailang din kung titingin o tititig talaga ako sa mga mata nito.
"You'll be going with me in Masbate tomorrow, I have to attend a Convention there.Its a 2 days event and I need you as my Secretary."nagulat ako sa sinabi nito.Isasama daw ako sa Convention.Syempre para may taga note down at taga buntot siguro..
Sabagay kasama pa daw yun sa previlage ng pagiging Sektretary ang makasama ng Boss sa mga out of town events na aatend-an nito.
Pagkatapos ng pag uusap namin ay dali dali na ko ng inayos ang mga gamit sa desk ko.Kailangan ko pang maghanda ng mga dadalhin ko di ko pa naman alam ang eksaktong dadalhing damit duon.Nakalimutan kong itanong sa Boss kung ano talaga ang mga susuutin .Bahala na.
Pagdating sa bahay ay dali dali akong pumasok.Excited akong hinagkan ang anak kong naglalaro sa Sala.
"Yehey!andito na si Mama.!"masiglang sabi ng anak ko.Nakakatuwa siya dahil sa edad niya na 3 ay di na siya bulol magsalita.Kinuha ko ang Donut na pasalubong ko sa kaniya.
"Tsaran!..."nakita ko ang pamimilog ng mata niya at saya sa mukha ng anak ko.
"Wow Donuts.." agad nitong kinuha ang dala kong pasalubong sa kaniya.
Ang bait ng anak ko.Di siya mapili sa anomang pagkain.At lahit ilang hany lang o Stick-0 ay masaya na siya basta may dala ako.
Inaya na ko ni mama maghapunan at sinabi ko na isasama ako ng boss ko.Kaya sabi ko sila na muna ang bahala kay Baby Ace dahil sa 2 araw akong mawawala.Ngayon pa lang nalulungkot na talaga ako na di ko siya mayayakap sa gabi.Kaso kailangang magtiis para sa Ekonomiya at kinabukasan ng anak ko.
Nagdala ako ng 2 slacks at 1 pencil Skirt at 3 formal blouse.May dara rin akong pantulog at 2 short shorts.Naisipan ko ring magdala ng sarong at at 1 backless summer dress.At syempre ang hoodie jacket ko di puwedeng mawala.
Gumising ako ng maaga,4 am pa lang ay naliligo na ako.Alas singko kasi dapat nasa location na ako na sinabi ni boss.Private plane ang sasakyan nila sabi ng boss.
Nakatayo ako sa Crossing papunta ng Diversion road.Dun na lang ako bumaba para dun antayin ang boss ko.Sampung minuto pa ang hinintay ko saka may tumigil na Rover sa harap ko.Ibinaba niya ang tinted na salamin kaya nakita ko na si Boss nga.
"Good morning Sir." Bati ko
"Get in!."sabi naman niya.
Dali dali kong binuksan ang pinto katabi ng Driver seat.
Asa ka pa na mag gegentleman siya sayo at ipagbubukas ka ng pinto..Sekretary ka lang.!Wake up..Sabi ko sa utak ko.
Wala kaming imikan ni Sir.15 mins pa kasi ang papunta sa City Airport.Andun nag aantay ang private plane dahil wala pang masyadong Aviation na nakatayo sa aming lugar.
Buti na lang may Music background siya.
At alam ko ang kanta na pumapailanlang sa stereo ng sasakyan niya.
Realize ni Colbie Caillat at syempre ang favorite niyang kanta ng Singer..
Bubbly
Nakakainlove ang song.
Di ko mapigilang di mag humming ng mahina lang.Iyong halos ako lang ang makarinig.
Nakarating kami sa Airport at andun nga ang private plane. Maliit lang ito..sa tingin ko 6 lang ang maisasakay.
Ang saya lang dahil tamang tama sa pagsikat ng Haring araw ang ganda ng tanawin galing sa taas.
Ngayon lang ako nakasakay sa ganito at maganda ang view na galing sa taas.Hindi man ako masyadong kinakausap ng Boss ko ay okey lang.Pero nakikita ko naman na pasulyap sulyap siya sa akin.Pipi nga lang ata dahil halos mapanis ang mga laway naming dalawa.
Buti na rin iyon at ng di kami feeling close ..Boss and employee relationship lang mas madali.
Paglapag namin sa Masbate ay may naghatid pa sa aming itim na Van sa Hotel na pagdadausan ng Convention.Ito na siguro ang pinaka magandang Hotel and resort dito.5 palapag din lang ang hotel pero malaki talaga.Natatanaw ang maganda baybayin at dagat.Marami ring tanim na mahogany na akala mo ay isang mini forest.Ang gaganda ng mga bulaklak na halos karamihan ay bougainvillea,ibat ibang kulay.Ang gaganda rin ng hilire ng mga daisy sa bawat gilid ng pathways at ang mga nakahanging style na vietnam rose na nasa paso.Sa gilid ng resort papunta sa dagat ay may mga flag at banderitas na akala mo'y fiesta.
Dahil sa puno raw ang bookings ay magkasama kami ni Sir Lester sa Suite na kinuha niya.Doon na ako nakaramdam ng pagkailang at kaba??kaba nga ba o ang malikot kong kaisipan.Sa kaisipang masosolo ko na si sir...hahaha Naughty self. Isang suite pero syempre separate ng room dahil tatlo raw ang room sa suite na kinuha ni sir.Sayang...sabi ng isang parte ng utak ko.Samantalang ang isang parte ay iwas..dapat na iwasan ang malaking tukso katulad ni sir Lester.Mahirap na at baka nga pumapatol iyon sa disgrasyada para maikama.I cannot tell at least its already happend.
Dahil alas diyes pa ng umaga ang umpisa ay may time pa kami ni Sir na mag ayos ng mga sarili namin.Nagpadeliver si sir ng almusal sa suite at kahit nag kakailangan ay tahimik na rin kaming kumaing dalawa.As usual patingin tingin lang kami sa isat isa.Waley panis na ang laway namin...at ayaw ko namang maging tsismosa..at magtanong kung ano ano sa kaniya,eh lalo naman kung ako ang magkukuwento..mahirap nang maging feeling close nga di ba?
Nasa pangalawa at huling araw na kami sa nasabing Convention at sinama nga niya ako para tagabuntot at mgtakedown notes sa mga usapan nila ng mga Negosyante.Maraming kakilala si Boss at tulad niya mayayaman at mga guwapo na halos galing sa ibat ibang lugar sa Pilipinas. Iba talaga ang mga mayayaman.Parang lahi lang nila ang nagpapasalin salin ng kanilang kayamanan.Paano pa yayaman ang isang tulad kong mahirap.Madami kayang tulad ko.Ipinanganak na isang kahig isang tuka.Iyong iba nga kahig ng kahig walang matuka.
Pero itong mayayaman isang pitik ng kamay andyan agad.Daming tagasilbi at mga alalay.
Sabi ni sir ay pwede na raw magliwaliw after nang closing Ceremony ng event.May pa Night Party raw mamayang gabi.Baka mamaya katulad lang din kagabi.Di naman siya isinama ng boss niya lumabas iyon ng suite pero siya tumunganga sa room niya.Alangan naman kasi na magpalakad lakad ako roon na parang timang.Wala man pang makausap.And worst kung may kumausap man baka lalaki at ayaw ko nga di ba?Ayaw ko ng mafall sa sinumang lalaki.Dala na ako.Si sir ay isa lang namang pantasya..at di ko naman seseryusohin na akitin siya.Sa utak ko lang iyo.Ang layo naming dalawa.
Panigurado ako doon na lang ako nito sa room ulit at magfafacebook na lang din.
Ngunit ang inaasahan ko na iiwanan ako ng boss ko ay di nangyari,dahil himalang isinama niya ako sa Night party.Buti na lang pala at nagdala ako ng Summer Dress.Kulay puti ang dress na at maxi style,mahaba siya at flowy,bulaklakin siya maliit lang ang print.Iyon na ang sinuot ko at daladala ko ang kulay rainbow kung malong..mahirap na baka lamigin ako mamaya sa backless kong summerdress.
Ipinusod ko ng medyo mataas mahaba kung buhok ay may takas na ilang buhok.Pulbos,liptint at cologne,sinipat ko ang sarili ko sa salamin..okey na sa tingin ko.Saka di ko naman kailangan magpaganda..di ba nga ayaw ko ng lalaki...walang dapat akitin.
Paglabas ko ay prenteng nakaupo ang Boss ko sa Sofa.Kaswal lang na nakatingin sa phone niya.Nang mapansin niya na lumabas ako ay inangat niya ako ng tingin.Medyo natigilan siya at sinipat ang suot ko mula taas at pababa sa paa ko.Wala namang sinabing panget.
"Lets Go."Sabi niya.sumunod ako.Pero ang utak ko guwapong guwapo na naman sa Boss ko na nakasimpleng White shirt at Boardshorts.Naaamoy ko na naman ang bango niya.Naiiwan sa ilong ko dahil nasa unahan siya at pasunod sunod lang naman ako kung pasaan siya.
Nakipagkamay siya sa mga bussinessman na kakilala,yumuyuko na rin lang ako bilang pag galang sa mga taong kinakausap niya.Pagkatapos ay naupo kami sa isang mesa na may 3 ring nakaupong lalaki.May mga kasama rin silang babae.At magaganda.Nakakolorete pa ang mga iyon halatang mga sosyalista.Mga nakaaangat sa lipunan.Para nga lang akong chaperon o yaya ni sir dahil di man lang ako ipinakilala man lang ni sir sa mga ito.Kaso iyong isang Girl ay nagtanong sa kaniya kung sino raw ba ako.Kaya ipinakilala na rin niya na sekretarya nga raw niya.Ano yun ayaw ba talaga siyang ipakilala kaya napilitan na lang nang may nagtanong?pambihira.
"Shes pretty."sabi ng babae at nagkibit balikat.May mag inumin na rin na inililibot ng mga server.May pagkain din na nakalatag sa bawat mesa.Kaya iyon na lang ang pinagkaabalahan ko,ang mabusog.Total libre naman,lalo na iyong mga dessert.
Mga ilang minuto pa ng magpaalam ang mga babae na maliligo raw.Inangat ko ng tingin si Sir Lester kasi ako na lng ang maiiwan na babae roon.Eh hindi ko pa naman feel na maligo pa..Plano ko pag pabalik na kami sa taas sasaglit ako sa dagat at maglulublob doon.
"You can stay here."parang nabasa pa nito ang nasa utak ko kahit di naman ako nagsalita.Tiningnan tuloy ako ng tatlong kasama niya sa table and kanina pa sila ng iinuman.Inuman dahil may nakatayong Bote ng Jack Daniels sa mesa.Para lang silang mga tambay na nag iinuman at may mga pulutan.Iyon nga lang ang gaguwapong tambay.Ang ha- hot.Susme.
Ako naman ay patingin tingin sa paligid at paminsan minsan ay dudutdot ng Cellphone ko.Habang si Boss ito..nag eenjoy at may table pa..Ako!..charot!
Nang maubos ang laman na boteng iniinom nila ay nag aya ng maligo ang kausap ni Boss.Nag uumpisa pa lang ang dumilim dahil sinindihan na ang mga ilaw sa resort.Maaga pa naman talaga.Ilang oras kaya kami rito sa Night Party.
"Lets go there." aya ni Boss sakin,At syempre ako follow the boss order.Papunta kami sa mga babaeng nagtatampisaw sa dagat.Ang seseksi,nakakapanliit,iyong isa naka 1 piece swimsuit na black na may uka sa may beywang at yung dalawa ay 2 piece swimsuit,red yung isa at yellow naman yung isa na halos wala akong itulak kabigin sa kaputian at kagandahan.Para silang mga kandidata sa Swimsuit Competition.Pati ako di maiwasan mapanganga at humanga sa kagandahan nila.Ano pa kaya ang mga lalaki.At itong boss ko kaya,Ganun din ba?
Pasimple kong tiningnan si boss,Sa akin siya nakatingin.Akala ko pa naman doon sa mga seksi.Napatitig din tuloy ako sa kaniya.Medyo may tama na yata sa ininom nilang 1 bote ng jack daniels na iyon.Ano naman kayang lasa noon.Palibhasa ako ay pajuice juice lang.Namumula konti ang mukha ni boss pero parang di pa naman halatang lasing.Siguroy sanay na ito sa inuman.Sosyalista eh.Natural na sa kanila yan lalo sa ganiting mga events.Ako na rin ang unang nagbawi ng tingin dahil di ko natagalan ang titig niya at ang labi ay medyo para matatawa.
"May sasabihin kayo sir?"Sabi ko na lang.
"Wala."dinig kong sabi niya dahol di ko na nga siya tiningnan ulit.
"Eh bat kayo nakatingin sa akin kanina?"Pangungulit ko.
"Bakit masama ba?Because i have my eyes." ay pilosopo.
Di na lang ako umimik.
Nagkaniya kaniya silang lusong sa tubig.Nagpalakasan sila sa paglangoy.Iyong dalawang lalaki ay may mga partner na sa tubig kalaunan.at dahil sa madilim na ay ewan ko lang.Kung sabagay baka magkrelasyon naman ang mga iyon.Wala naman dapat akong paki di ba kung ano man ginagawa nila sa may kalaliman.
Ako nakaupo lang sa buhanginan, yakap ang dalawang tuhod, nakapatong ang baba sa tuhod ko habang pinagmamasdan ang buong paligid, ang mga naliligo at syempre ang boss ko.Pabalik balik ito ng langoy at tatabi sa pampang siguroy magpapahinga lang at balik na naman sa tubig.Umahon ito pagdaka ay palapit sa akin.
Pinagmamasdan ko ang malapad niyang dibdib na may mga pandesal..hanggang tiyan at pababa sa may bukol..kasi basa ang board short niya..bakat ang bukol..teka erase!
Pero ang lintik na mata ko ay di napuknat ng tingin sa katawan niya.
"Youre drooling."sabi nito ng makalapit sa akin.
Agad kong binawi ang tingin dito.
"Hindi ho sir ah,akala niyo lang yun."Deny ko.
"As you say so."may pilyong ngiti sa labi
Ay wow..iba pala to si Sir pagnakakainom ah.Dumadaldal at napapansin ako.Kinakausap na niya ako ngayon at...take note,Tumabi sa kinauupuan ko.mga dalawang dangkal lang ang pagitan namin..pwede bang wala ng pagitan?Ayiii...susko..pinilig ko ang ulo ko Tumigil ka sa karengkingan mo.Iyong anak mo roon inaantay ka..mahiya ka Hyacinth.Kastigo ko sa sarili ko.
"Why dont you Swim?"pagkuwa'y sabi ni Sir.
"Mamaya po pag babalik na tayo sa taas.maliligo ho ako."sabi ko na lang.
"Baka hindi ka marunong lumangoy." Ano raw..di ako naliligo dahil di ako marunong lumangoy?Aba..!
"Marunong ho ako.Gusto niyo pagalingan pa tayo sa paglangoy eh."Bigla na lang nasabi ko.Walanghiya..mapapasubo ata ako nito kay boss.
"why not?Show me what youve Got!" Ay naku heto na talaga..mapapasubo na talaga ako sa boss ko sa pagalingan ng languyan.Ano ba kasing bunganga ko ito.Nagmayabang pa kasi.
Nagdadalawang isip pa ako kung lulusong ba talaga ako.
"Oh come on,Dont you dare change your mind..i'll fire you." banta pa nito.
"Seryoso kayo Sir?'" biglang tanong ko rito.
Tiningnan ako nito na buong kaseryosohan sa mukha.
"Do i look like im joking?" Ay nalintikan na.
Hinubad ko agad ang summer dress ko.itinabi ko sa buhanginan kasama ng tsenilas at malong ko. Natira ang spaghetti Crop top na suot ko at Dolphin Style swimming shorts ko.Pagtingin ko nakakagat labi ang boss ko.Nakatingin sa tiyan ko.Ano kayang tumatakbo sa isip ng Boss ko.Nakainom lang eh naging madaldal na..at parang pinagnanasaan p ako ha!In my dreams.
"Tara na boss!" aya ko rito dahil nakatayo lang ito at habol ako ng tingin.Nasa tubig na ako at hanggang tuhod na.
Saka lang siya lumakad ng may ngiti sa labi.Ano yun nasapian?
"Hanggang saan ang gusto niyong puntahan natin sir?"Tanong ko rito..
"ikaw?Hanggang saan ba kaya mo?" Double meaning ang pumasok sa utak ko..kaya ko?saan..hihihi..wala sir..may anak lang ako pero totally walang experience sa complete lampungan..Ayii..teach me Sir.
Wala,umaatake na rin ang naughty side ko.Bwiset ka self!
Nang hanggang dibdib ko na ang tubig sinimulan ko ng lumangoy.Iniwan ko na si sir bahala siya kung susunod siya o hindi.
Pero sumunod siya.malayo layo na kami sa pampang.Naabutan niya ako.
"Bumalik na tayo..delikado na at gabi na."Sabi niya sa akin.Pansin koy pagod na rin siya sa paglangoy.
"Di pa ba ako marunong lumagoy sa lagay na iyan sir?"Tanong ko rito.
"You impressed me really..Youre a good swimmer."sabi niya sa akin.
"I told you sir.marunong ako."sabi ko na lang.
""But im more than Very good in swimming..Lalo na sa sisiran..mas magaling ako." Ano raw?Sisiran?Sisid...oh my juice.
Napatulala pa ako at inaabsorb sa utak ko ang sinabi niya.
Si boss naman ay di na naalis ang pilyong ngiti, habang nakatingin sa akin.Ibinuka ko ang labi ko para magsalita pero wala akong nasabi..Kinagat ko na lang ng pang ibabang labi ko dahil wala na akong nasabi.
"s**t!" narinig kong mura ni Boss.
Napano yun???
(R.R)