UMUGONG ang boses ng crowd nang makita ang pagpasok ni Ricky Mendez sa loob ng court. Si Mover ay bahagyang sumeryoso dahil nakita niya ang kasama nitong mga players. Pinagpahinga nga ng tuluyan ng Panthers ang kanilang starting line-up. “Ricky will be the facilitator and the offensive key in this line-up,” ani Mover at napatingin siya sa kanyang mga players. Ipinasok pa rin niya si Ibañez, Flores at ang sentro nilang si Javier. Pinagpahinga muna niya si Mogol at Honasan. Ipinalit niya sa dalawa ang magkapatid na Clemente na kilala sa Defensive Brothers ng Red Lions. Depensa lang ang trabaho ng dalawang ito. Tiwala pa rin siya kay Ibañez na makakapuntos at makakapuntos ito. Isa pa, nakapagpahinga na ito kaya sapat na iyon para muling magpakitang-gilas. Ang iniisip nga lang niya ay kung

