ANG MALAKAS na cheer ng crowd para sa kanya ay nagpakuyom ng kamao sa binata. Matapos siyang alalayang itayo nina Manong Eddie at Kuya Alfredo niya ay sandali siyang napayuko. Hindi niya ginustong makilala sa larangang ito, at lalong hindi niya intensyon na sumikat. Mag-enjoy sa loob ng court, ito ang bagay na gusto niya... pero hindi niya inaasahan ito. Pinigil ni Ricky ang paghikbi dahil sa mga nangyari. Napasuntok siya sa hangin nang mahina at tumunghay na may ngiti sa labi habang ang kaunting luha ay nangingilid sa kanyang mga mata. Inakbayan niya ang kanyang dalawang kakampi. “Salamat Manong Eddie... Salamat kuya Alfredo!” “H-huh? Ano’ng sinasabi mo riyan Ricky Boy?” natatawang tanong ni Manong Eddie na ginulo ang buhok ng binata. Nakita niyang napakalaki ng potensyal nito

