ALAS-ONSE ng umaga nang araw na iyon. Sa may harapan ng hotel ay naroon na nga ang mga kaibigan ni Andrea at hinihintay ang paglabas ng mga kasamahan nilang nasa loob pa. Ang nauna roon ay sina Lealyn, Jaimie, Rona, Jena, Maine, Chrissa at Arlene. Sila ay ang anim na magkakaibigang single, o ‘di kaya ay malayo ang boyfriend. Lumabas na rin nga ng hotel sina Louie at Marck. Nagngitian kaagad ang magkakaibigan at ang dalaga ay lumapit agad sa mga ito. “Sa inyong room ako tutulog mamaya!” bulalas ni Louie sabay irap sa boyfriend niyang si Marck na busy sa paglalaro ng mobile game. Tinawanan tuloy sila ng kanyang mga kaibigan dahil sanay na sila sa dalawang ito. Alam nilang mahilig sa mobile games ang boyfriend nito na madalas pag-awayan ng dalawa. Ang sunod namang lumabas ay sina Lesl

