SA KABILA ng nangyari ay kalmado pa ring bumalik si Mover sa kanilang bench. Sinabihan niya ang kanyang mga players na magpahinga muna dahil tatlumpung minuto pa bago magsimula ang second half. Mula sa ilalim ng bench ay kinuha niya ang kanyang gatorade na iniinom at tumingin sa bench ng kalaban. Ang pasa ni Suarez, at ang dakdak ni Semeron. Nakita niya iyon at tila ba may naalala siya na kahawig ng senaryong iyon. Hindi niya iyon maalala nang malinaw, pero parang pamilyar ang pangyayaring iyon. “Sir Mover, hindi maganda ang kutob ko sa paglipat ni Suarez sa point guard,” bigla namang winika ni Karlo sa tabi ng kanilang player-coach. “Yap, I didn’t know that Suarez has a skill of a passer. Nakita ko ang ginawa niyang pagpasa ng bola kanina, at accurate iyon,” wika ni Mover na m

