“Preparations complete. Patient Kovie 007 is ready for release.”
Parang binibiyak ang ulo ko nang magising ako. I couldn’t open my eyes even if my life depends on it. Napakabigat nito at para bang may pumipigil sa pagmulat ko.
My hearing is muffled. All I heard is my name and some numbers that I’m not sober enough to care about. All I want is to touch anything, something.
Pakiramdam ko ay palutang-lutang ako. I can feel something touching me all over but it’s not something I am familiar with. Nilalamig din ako at nahihirapang huminga.
Para bang limitado ang paghinga ko. I can only release certain amount of carbon dioxide and inhale oxygen slowly. I feel like I am being controlled.
“Password correct. Ready for clearing. 5… 4… 3… 2… 1…”
Hindi ko alam kung para saan ang countdown ngunit kasabay nito ay ang pagkawala ng magaang na pakiramdam ko. Nanlamig agad ako sa unang pagtama ng hangin sa balat ko. Ngayon ko lang din naramdaman na basa ang buong katawan ko.
I almost choked with my own saliva and had to cough all of it out of my system. Hindi ako makamulat sa hapdi ng mata ko at hindi ko na rin inalala kung ano man ang natatamaan ko sa bawat pagkilos na ginagawa ko.
While coughing, I felt a hand caress my back. Napakislot ako sa pagtama ng balat nito sa balat ko. That’s how I realized I’m not wearing any clothes. Gusto ko sanang takpan ang ibang parte ng katawan ko ngunit umaayaw ang mga braso kong ngalay sa ‘di malamang dahilan. In the end, I didn’t care about my status.
I cough and cough, hoping to get something out. Finally, nailabas ko ang sandamakmak na likidong nainom ko. I’m sure it’s not water. May kakaibang lasa ito at naaamoy ko rin ang tapang nito nang mailabas ko na ang lahat.
I almost passed out when someone caught my whole body. Wala akong kakayahang pumalag at lumayo sa kung sino man ang kasama ko ngayon. I can’t recognize who it is and my eyes are still closed due to pain.
I wanted to talk. Gusto kong itanong kung sino siya, nasaan ako, bakit niya ako binubuhat at saan niya ako dadalhin. I have too many questions to mention but my mouth says no.
“Si–” That was all I could croak out. Agad kong naramdaman ang pagkatuyo ng lalamunan ko nang nagsalita ako. It was like sands running down my throat and a desert forming through my lungs.
In the end, my attempt was futile. Wala akong napala sa ginawa ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon. Am I supposed to be happy that someone’s bringing me out of that hell?
Actually, I am supposed to panic and kick whoever it is carrying me. I know for sure it’s not…
Wait, who am I trying to think of?
Pinilit kong alalahanin kung sino ang balak kong sabihin. Kung sino ang naiisip kong hindi nagbubuhat sa akin. Pamilyar ang katauhan na iyon at alam na alam ko ang ugali niya. Alam kong hindi niya ako basta-bastang bubuhatin kung hindi ay guguluhin na rin at gagawin ang lahat upang umayos agad ang pakiramdam ko. But this person here is not the person I’m thinking of.
Another question. Sino ang taong naiisip ko?
I felt a pang of pain surge through my head as I try to dig deeper in my memory. Hindi ako mapakali na hindi naaalala ang pangalan ng taong iyon. Hindi ko nga malaman kung babae ba siya o lalaki, kung kaibigan ko ba siya o hindi.
Every memory with the person is there. Ang mga ginawa namin, though it isn’t that vivid, naaalala ko pa ang mga iyon. Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit sa tuwing inaalala ko ang itsura niya ay wala akong mabuong imahe.
I groaned when my back touched the bed. Kahit pa malambot ang kutson nito ay hindi nito napakalma ang nanginginig kong katawan. Ang kaninang malamig na paligid ay mas umayos na ngayon, nabawasan ang panginginig ng katawan kong basang basa.
May idinikit siyang malamig sa labi ko. Dahan dahan ko itong binuksan at tinanggap ang tubig na ipinapainom niya sa akin ngunit agad ko rin itong inubo. Dahil nakahiga ako ay muntik na akong malunod.
Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko na inaalalayan akong maupo at sumandal, tsaka ako muling pinainom. Pakiramdam ko’y muli akong nabuhay nang dumikit ang tubig sa lalamunan ko.
Unti-unti ay nawala ang kanina pang masakit sa ulo ko. Ang mga mata ko’y mas gumagaan at nagawa ko nang buksan ito ng bahagya, muli nga lang akong napapikit nang nagulat ako sa liwanag.
Slowly, I opened my eyes. Hinayaan kong mag-adjust ito sa biglang liwanag at kahit nanlalabo pa ang paningin ay hinanap ko agad ang mukha ng taong tumutulong sa akin.
Tumingin ako sa paligid at nakita ang isang taong nakaupo sa tabi ng higaan ko. Hindi ko matukoy kung babae ba siya o lalaki dahil sa suot niyang maskara. Ang buong mukha niya ay natatakpan nito at sa mga mata niya naman ay may itim na manipis na telang nakaharang.
Hindi ko makita ang mga mata niya mula rito ngunit sigurado akong kitang kita niya ako dahil hindi niya inaalis ang paningin sa akin. Ramdam ko ang matalim niyang titig at ang mga kamay niyang hindi mapakali.
Hindi ko siya kilala. Sino siya? Paano ako napunta rito?
Magtatanong pa lang sana ako ng kahit isa lang ngunit bigla siyang tumayo at lumayo sa pwesto ko. “Wait!” I called. Hindi siya lumingon at nagtuloy-tuloy kahit pa muli ko siyang tinawag.
Gustuhin ko mang habulin siya at maglibot sa buong lugar na ito ay wala akong lakas para gawin iyon. I looked around.
Sobrang layo ng itsura nito sa naaalala kong purong puti na bahay. Everything is made of rock. Ang mga pader ay hindi pantay-pantay, hindi rin maayos na hugis ang kwarto. Ang hula ko ay nasa ilalim kami ng lupa at isa itong kweba.
I sighed. I don’t understand a thing of what’s been going on with me. Am I still hallucinating? I don’t think so. I felt the pain of choking before. Nakainom din ako ng tubig, at nalasahan ko rin na bahagya itong maalat. He must’ve boiled salt water.
That means we’re near a water source. A salt water. Maybe a sea?
Ang pinaka hindi ko maintindihan ay kung paano ako nalilipat sa isang sitwasyon tungo sa isa. Noong una’y para akong nababaliw doon sa puting bahay, pangalawa’y nagising na lang ako bigla rito sa lugar na ito.
Paano ako nakalabas doon? Hindi ba’t wala kaming mahanap na lagusan palabas? At sino ang kanina ko pa tinutukoy na kasama ko noon?
All these questions and not one is answered properly. All I do is add more and more questions, confuse myself more and feel anxious for whatever reason I unconsciously made.
“Kumain ka na,” a voice said that got me out of my thoughts. Hindi ko pa agad naproseso ang sinabi niya ngunit siya na mismo ang naglapit ng pagkain sa harap ko. The stale bread looked very dry. Still, this is my food after days of not eating. Or so I feel.
“T-Thanks.” That’s what I said. He said nothing after it. Lumayo na siyang muli at may kinuha siyang papel. Nilapit niya ang ilaw sa banda niya at naiwan ako sa nag-iisang kandilang natitira sa tabi ko.
I stared at the flame as I eat the bread. As I look more and more, I see how it dances with the flow of the wind from a window near my bed. Para itong bintana sa mga kulungan.
Tinanggal lang ang parteng bato nito at nilagyan ng bakal upang hindi gumuho ang nasa itaas. Pretty straightforward that it’s only for ventilation, and I’m not sure if it is as strong as a prison’s air vent when it comes to escaping.
Mukhang napansin niya ang tinititigan ko at nagsabing, “Kung gusto mong umalis, the door is open. I’m not keeping you here.”
Hindi ko siya nilingon. The idea of having a door to walk out of and seeing the outside world churned something in me. Never I have imagined that a mere door would have that effect in me.
I ate my bread in silence, just like how he’s been reading his paper since earlier. I’ve confirmed his s*x by his body built, one that I had access to view when he stood up to grab another cup of water for himself.
“Nilalangaw na ang tinapay mo,” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Doon ko lang napagtanto na nakatitig na pala ako sa kanya at nakatulala ng matagal. Tinignan ko ang tinapay ko at wala namang langaw roon ngunit nahiya ako dahil alam kong napansin niya na ang kaninang ginagawa ko.
For some reason, I feel like I know him. Strangely, I can’t remember who I know and I have a relationship with. No name of any person comes to mind when I try to think of my acquaintances.
“You feel like someone I’m very close with,” I whispered even before I knew. Pati ako ay nagulat sa sinabi ko tulad ng pagkagulat niya na naibaba pa niya ang mga binabasang papel. He fixed his posture and tilted towards my direction.
“And who might that person be?” he asked with obvious amusement. “I don’t know,” I honestly said. My reply was for him but it became a question to myself. Why don’t I know?
“Basta pakiramdam ko ay pamilyar ka. Ang kilos mo, postura, ang paraan mo ng paglalakad, pakiramdam ko ay kabisado ko iyon. Maybe we’re close. Or maybe you remind me of someone close to me.”
He was silent. I liked that he didn’t say anything. Hindi ko rin naman alam kung ano nga ba ang idudugtong ko. I want to get out of that topic because every time I try to push myself to think harder, a pang of pain would always follow.
“Maybe we’re actually close,” he stated. Nilingon ko siya at sinundan ng tingin nang lumapit siya sa isang lagayan ng mga libro. He grabbed something from behind of all the books he has, and stared at it for a long time.
“You also remind me of someone,” he shared back. That piqued my interest. “Talaga? Sino?” tanong ko. That would mean a possible ally in this unknown place.
“My sister,” he said. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at sa bawat hakbang ay ramdam ko ang bigat ng mga iyon. Para bang pwersahan ang paglapit niya at nang nakatayo na sa gilid ko ay halos maramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Kumunot ang noo ko.
“Nasaan siya?” I asked, still unsure of his motive as he sat at the end of my bed. “Nandyan lang sa tabi-tabi,” he replied.
“Her name is Kovie Royle,” he added. Kumunot ang noo ko. Kovie Royle? Parang pamilyar ang pangalan na iyon sa akin.
“Nandito ba siya ngayon? Pwede ko ba siyang makausap?” pag-iiba ko ng usapan nang napansin ang kakaiba niyang titig sa akin. His eyes went from hostile to looking like he’s looking at something hopeful.
“That’s not possible, actually,” he said. “Well, technically it is, but no,” he mumbled. Natawa ako.
Nagulat ako roon. Bakit ako tumawa?
Mukhang nagulat din siya sa pagtawa ko kaya’t huminto siya sa kaninang komportableng maliliit na kilos.
“So, hindi mo ba kilala ang kapatid ko?” tanong nito. Nag-isip ako ng ilang segundo bago siya sinagot ng iling. “Hindi ko kilala si Kovie Royle, kaya’t kung pwede ay gusto ko sana siyang makausap.”
He laughed with no humor. I sensed something shifted after my answer, but I don’t exactly know what it is.
“Well then, magpapakilala na lang muna ako sa’yo. Hello Kov–, I mean, Hello miss, I am Aiden Soviet Madriaga. And I am looking for my sister Kovie Royle Madriaga. My real sister. And you might be her, Kovie 007.”