l “Kovie, saan ka pupunta? Sama ka sa amin, may sisirain lang kami saglit,” sabi ni Lance at inakbayan ako. Inalis ko ang braso niya at pabirong pinilipit ito. “Pass, Lance. May warning akong nakuha, bawal muna maging pasaway.” “Sus, ikaw magpapadala sa warning?” Tumawa ito. “Oo, sa warning ng kuya ko.” Napawi ang ngisi niya. Ako naman ang napangisi at pabirong itinulak siya palayo. “Kayo na muna ang maghiganti sa ating mga api,” asik ko pa bago tuluyang lumayo. Patuloy akong naglakad ngunit hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta. Sa huli ay dumiretso na lang ako sa dorm. May klase pa ako maya-maya lang ngunit hindi ko yata kayang makinig ng Science lecture habang nanginginig pa ang paa ko sa pagtakbo ng tatlong beses sa field, at pagtayo rito ng isang oras. Dahan-dahan kong bi

