“Ayusin mo tindig mo, Madriaga,” ani Kapitan Tore bago suminghot. Gusto ko mang irapan siya ay sinunod ko na lang ang utos niya at iniwas ang tingin. Mapapahamak ako kung papatulan ko na naman siya. Ang warning sa akin noong nakaraang linggo lang ay isang sumbong na lang niya ay masususpinde na naman ako. Walang kaso sa akin ang pagkasuspinde ngunit hindi ko yata kayang tiisin ang pagbubunganga ni kuya sa mangyayari. Para siyang si mama kung makasigaw. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala masyadong tao sa field ngayon maliban sa iilang trainee na tulad ko ay may pagkasuwail. Hindi naman sa pagmamayabang pero kilala ako bilang isa sa mga sanhi ng stress ng mga lecturers at instructors sa camp namin. Makalipas ang tatlumpung minuto ng pagbilad sa araw, sa wakas ay naawa na rin si Ba

