80

1385 Words

Makalipas ang tatlumpung minuto ng pagbilad sa araw, sa wakas ay naawa na rin si Balatbat. “Salamat ho, Kapitan Tore!” sigaw ng iba ngunit kahit ako ay naririnig ko ang pait sa mga pasasalamat na iyon. amin ng attitude na dapat naming taglayin bilang mga Hiraya. Kami raw ang kinabukasan ng lugar namin, at kailangan naming maging mahusay bilang estudyante para lumabas kaming matitinong tao. Ewan ko ba, parang hindi naman kami tumitino. “Kovie, saan ka pupunta? Sama ka sa amin, may sisirain lang kami saglit,” sabi ni Lance at inakbayan ako. Inalis ko ang braso niya at pabirong pinilipit ito. “Pass, Lance. May warning akong nakuha, bawal muna maging pasaway.” “Sus, ikaw magpapadala sa warning?” Tumawa ito. “Oo, sa warning ng kuya ko.” Napawi ang ngisi niya. Ako naman ang napangisi at pabir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD