Tahimik na paligid ang bumungad sa amin paglabas. Walang ibang gwardyang nakabantay na naglakas-loob manita sa amin.
Kahina-hinala naman talaga kaming pitong naglalakad palabas ng training ground na may bitbit na knapsack at iba pang gamit sa kamay, pati na si Adi na pinagbitbit din ni Krys ng gamit niya. Hindi nga naman nila kami sisitahin dahil lahat ng kasama ko ay literal na mga lieutenant. Wala silang magagawa.
Hindi naman sa nagtatago ako pero nakapwesto ako sa gitna nilang lahat. Sa harap ko ay si Tobi at si Accel, sa likod ay si Krys at Ayla. Sa magkabilang gilid ay sina Covet at Adi na parehong kanina pa ako nagigitgit. Dagdag pa si Tobi na kanina ko pa natatapakan ang likod ng sapatos dahil sa bagal maglakad.
Ganun kasikip ang pwesto namin. Para kaming sardinas na ayaw maglayo sa isa't isa. Pakiramdam ko'y tinatago talaga nila ako ngunit hindi na lang ako nagsalita. Palayo pa lang kami sa gate nang natapakan ako sa likod.
"Aw!" Napasigaw ako sa sakit. May dalawang kamay na tumakip sa bibig ko, ang isa'y halos sakop na ang buong mukha ko. Nagpumiglas ako roon ngunit hindi sila bumitaw. Natigilan ako nang narinig ang paninita ng isang guard.
"s**t," bulong ng kung sino sa gilid ko. May biglang tumili sa likod ko. Isa sa mga babae 'yon base sa tinis ng boses.
"Aray! Aray, ang sakit! Omg! Kinakat ako ng langgam! Aw!" pag-arte nito. Muntik na akong matawa sa boses ni Ayla na nagi-inarte. Buti at siya ang umakto kaysa kay Krys na mas matinis pa ang boses. Narinig ko na ang yabag papalayo ng mga gwardya pagtapos tanungin si Ayla kung okay lang ba siya. Marahas ang buntong hininga ni Krys sa likod ko. Samantalang ang dalawang nakatakip sa bibig ko ay hindi pa rin tinatanggal.
Sa inis ay kinurot ko ang parehong braso sa magkabilang gilid ko. Sabay silang napabitaw at nang tignan ko ay pareho silang humahaplos sa braso. Inirapan ko sila bago tinignan si Krys na masamang nakatingin sa akin.
"May tumapak sa akin at masakit. Alangang makiliti pa ako?" pagdepensa ko sa sarili ko. Napabuntong hininga lang siya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Nang nakalayo sa gate ay sa wakas umalis na sila sa porma. Nasa unahan na rin ngayon sina Krys at Ayla samantalang si Tobi naman ay nasa bandang kanan.
Ang dalawa kong katabi ay nanatili na para bang mga bodyguard ko. Nagpahuli ako ng kaunti dahil sa panggigitgit nila. Nagpahuli rin si Covet ng bahagya.
"Ano nga yung kinukwento mo sa akin kanina? Tuloy mo na," pang-uudyok niya. Gusto ko na siyang sabunutan sa pagsiko niya sa akin na akala mo'y hindi ko naririnig ang sinasabi niya at kailangan pa akong itulak ng ganun kalakas.
"Alin ba?" irita kong sabi. Ewan ko ba at iritado talaga ako sa lalaking ito. Masyadong feeling close at lapit ng lapit. Siguro ay kasalanan ko rin naman dahil bigla ko na lang siyang kinwentuhan kanina pero kahit pa. Hindi naman ako maniniko na lang bigla kung may ikwento ka sa akin ng kaunti.
"Yung sa araw at buwan," excited na sabi niya. Inalala ko ang tinutukoy niya ngunit nakalimutan ko rin agad nang may sumingit pang isang pasaway.
"Uy, anong kwento 'yan? Ako rin!" malakas na sabi ni Accel. Naglingunan ang mga kasama namin pero nang nakitang wala namang nangyayaring kakaiba tulad ng ini-imply ng pagsigaw ng isa rito ay bumalik na sila sa ginagawa.
"Do'n ka na, ako nauna!" sabi ni Covet at bahagyang tinulak si Accel. Mas gumitgit pa ito sa kanan ko at inilabas ang dila para asarin si Covet. Mukhang napikon naman ang isa kaya't sasapakin na sana niya, buti na lang at humarang si Adi.
"Ano ba?" tanong niya sa dalawa. Tatango sana ako sa ginawa niyang pagsuway nang inakbayan siya ni Accel at may binulong. Tumango siya at nakasimangot na binatukan ang isa.
"Anong buwan-buwan ba pinagsasasabi mo?" tanong niya kay Accel. Ngumiti lang ang isa at babatukan sana ulit ni Adi nang nagtago naman sa likod ko. Humawak ito sa balikat ko. Malakas akong nagkibit balikat para matanggal ang pagkakahawak niya at tinungo ko ang dalawang babaeng busy sa tablet ni Krys.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko. Hindi nila ako sinagot. Si Tobi sa gilid ay parang turistang nagsa-sight seeing sa mga bahay na nadadaanan namin. Tinignan ko na lang din ang paligid.
Malaki ang pinagbago ng lugar mula noong nakatira pa kami rito sa labas hanggang ngayong sa dorm na ako namamalagi. Dati'y malalaki ang agwat ng bahay ngunit ngayon ay 'di magkaugaga ang mga bahay sa pagtatabi at ang iba'y pilit pang dinadagdagan ng palapag.
Overpopulation is an issue in our compound. Dahil ginawa ito noon pa at kaunti lang ang tao ay maliit lang ito at sakto sa pamilyang nakapasok noon. Sa nagdaang panahon ay marami ang naidagdag sa populasyon. Nagkaroon pa ng oras na ang daming nanganak na akala mo'y nag-usap ang mga nanay na manganak ng ganoong petsa.
Kung dati, ang pinakapangit na bahay na ay ang gawa sa bato na walang pintura, ngayon ay mga tagpi-tagping yero at kahoy na. Mayroon pang mga trapal lang ang takip at ang iba'y may butas pa. May mga alanganin din ang pwesto tulad ng nasa dulo ng lupa malapit sa isang ilog.
Ngunit kapag tinignan mo ang malayong banda, ang kabilang banda ng mga bahay, nandoon nagsama-sama ang mga nagtataasan at naggagandahang mga bahay. Mga mansyon na tinitirhan ng isang pamilya lang. Samantalang sa mga bahay dito ay halos magsiksikan na ang dalawang pamilya sa isang kwarto.
Do'n pa lang, alam mo na ang ibig sabihin ng pribilehiyo.
Pagdating namin sa kanto ng tinatawag na 'sinister' place, kung saan ang mga nasa mababang antas ng pamumuhay, ay may sundong pinapunta si Adi. Sumakay kami roon hanggang sa makarating sa bahay nila.
Inaasahan kong malaki at malawak ang sakop ng lupa nila ngunit hindi ko naman inasahang mas malaki pa ito sa naisip ko. Kung makikita mo ito sa labas ay hindi mo masasabi ang tunay na laki nito dahil sa mataas na bakod nito. Sobrang protektado at marami ring mga bantay dahil sa kahalagahan ng taong nakatira rito.
"Let's go," aya ni Adi at nanguna sa pagpasok. Kilala ang lahat ng lieutenant at binati pa ng gwardya. Nang ako na ang papasok ay bigla akong hinarang. Nagulat ako roon dahil agad silang humawak sa baril nila.
"Sino ka?" tanong ng isa. Sasagot sana ako nang may umakbay sa akin bigla. Nilingon ko si Accel at sisikuhin sana sa pag-akbay sa akin nang nagsalita siya.
"Kasama ko 'to, may problema?" asik niya sa mga 'to. Nagkatinginan ang dalawa bago tinawag si Adi. Siniko ko na si Accel at inasar.
"May problema?" sabi ko sa mapang-asar na tono. Natawa ako sa maasim niyang mukha. Halatang hindi niya inasahang hindi siya paniniwalaan ng mga bantay.
"Kasama niyo raw po siya?" tanong nila kay Adi. Tumango lang ito at pinapasok na kami sa wakas. Dire-diretso kami papunta sa napakalaking pinto nila. I have many things to say but I kept my mouth shut.
Hindi ko maiwasan ang pagkamangha ko nang nakita ang loob ng bahay nila. Malaki at malawak ang labas kanina ngunit wala namang masyadong laman. Pero rito sa loob ay masasabi mo talagang mataas ang katungkulan ng nakatira rito.
The pristine color of the wall shouts elegance. Every little detail matches, as if everything is handmade just to fit each other. Walang pagitan ang bawat parte ng bahay kaya't mula sa sala na kinatatayuan namin ay kitang kita namin ang tatay ni Adi na nakaupo sa gitna at pinakamalaking upuan. Tahimik itong kumakain ngunit nang napansin kami ay tumayo at lumapit pa sa amin.
"Adi! What brings you here?" he said and looked at us. He scanned the group and I remained behind Accel who's standing tall in front of me. I'm hoping na hindi niya ako makita. For some reason, I feel like something bad is going to happen.
"May meeting ba kayo? Don't you have a place at the training camp already?" dagdag nito.
"Hindi po. May gagawin lang kami saglit sa likod," rinig kong sambit ni Adi. Didiretso na sana kami ng lakad ngunit biglang tumigil si Accel kaya't nabangga ako sa likod niya.
"Aray!" sabay naming sigaw. Napatingin ang lahat sa amin at kasama roon ang tatay ni Adi. Bakas ang gulat sa mukha ni General Rosario at halatang hindi niya ako inaasahang kasama ng mga ito. Hindi rin siguro talaga ako nakita ng general kanina sa laking takip ba naman ni Accel.
"Miss Madriaga! What a surprise!" he said with a very surprised tone. I don't know if I'm the weird one o talagang may kakaiba sa pagkakasabi niya noon. Parang sarkastiko na ang dating sa akin ngunit nginitian ko pa rin siya upang magbigay-galang.
"Magandang gabi po," pagbati ko rito. Tumango ito at bakas pa rin ang pagtataka habang tinitignan ang kabuuang grupo namin. Is it that weird to find me, an outcast, with these lieutenants?
Kung sabagay, I'm not really the type that you'll see with these high-ranked officials. Hindi ko nga alam kung paanong nabuhol ang buhay ko sa buhay nila. All I know is that it started with Krys and the rest just came in the frame. Well, may mga naitulong at maitutulong naman sila sa ginagawa namin kaya't ayos lang sa akin na kasama sila.
"Kumain na ba kayo ng hapunan?" tanong nito pagkatapos mahimasmasan sa pagkabigla. Hihindi sana ako dahil sa akin ito nakatutok ngunit umepal si Tobi.
"Hindi pa po," sabi nito. Mabilis ko siyang nilingon at kita kong hindi lang ako ang nakatingin sa kanya. Lahat ay masama ang tingin sa kanya ngunit parang hindi niya pa rin ramdam ang pagtutol namin sa kanya.
"Bago kayo pumunta sa likod at..." tumigil siya at tinignan ang mga dala namin. Humigpit ang hawak ko sa knapsack ko. "...gawin ang gagawin niyo ay kumain muna kayo," dagdag pa nito.
Nanguna na ang tatay ni Adi sa pagpunta sa dining table at susunod pa sana si Tobi ngunit hinawakan ko siya sa braso. Sinamaan ko siya ng tingin pagkalingon niya pa lang. Kumunot ang noo niya.
"Anong ginagawa mo?" asik ko sa kanya. Nanatiling kunot ang noo niya at sinabing, "Kakain?"
Bumagsak ang balikat ko sa kabagalan niyang umintindi. Nilingon ko si Krys upang manghingi ng opinyon. "Krys?"
"Nagmamadali tayo, Tobi. Bakit ka naman pumayag?" sermon nito. Napakamot lang sa batok ang isa ngunit kibit-balikat lang ang sinagot. Napabuntong hininga ako at tinignan si Adi para manghingi ng solusyon.
"Wala na tayong magagawa. He's really push at kung hindi natin siya pagbigyan ay baka guluhin niya tayo sa likod mamaya. Also, we need the energy."
Tumango na lang ako at walang magawa. Narinig ko pa ang mahinang 'yes' ni Tobi kaya't kinurot ko muna siya bago pinakawalan. Sinamaan niya ako ng tingin na tinumbasan ko lang kaya't dumiretso na lang siya sa dining table. Nagsunuran na ang iba at nagpahuli na ako.
Just as I reached the dining table, my regrets immediately fired up. Sana pala nauna na ako. Ngayon, ang natitirang upuan na lang ay sa tabi ng kabiserang upuan na pwesto ng general. Wala akong choice kung hindi maupo roon. Katapat ko si Adi at si Krys naman ang katabi ko sa kaliwa, sa kanan ang general.
"Let's eat," sabi nito at nagsimula na silang kumain. I'm still hesistant but it's awkward to be the only person not eating so I got as little as possible, just to fill up my plate. Tahimik ang mesa at tanging tunog lang ng tinidor at kutsilyo ang naririnig ko.
We're eating some kind of beef that I'm sure cost more than the regular salary of a normal person. Halos hindi ko malunok ang katotohanang iyon, na kumakain ako ng posibleng kurakot ng heneral na katabi ko. Naramdaman ko ang literal na bara ng karne sa lalamunan ko kaya't kinuha ko ang baso sa kanan at uminom ako ng tubig. Natigilan ako sa pag-inom at bakas ang pagtataka sa mukha ko nang napansing nakatingin silang lahat sa akin. Siniko ako ni Krys.
"Ano?" bulong ko habang nilalapag ang tubig. Nagpunas ako ng bibig habang nagsasalita siya.
"Kay General Rosario yung basong kinuha mo," bulong nito at muntik na akong madulas sa kinauupuan ko. Mabuti at wala na sa kamay ko ang tubig kung hindi ay baka natapon pa 'yon sa pagkabigla ko. Mukhang narinig ng heneral ang sinabi ni Krys at natawa.
"It's okay! It's okay! Hindi ko pa naman naiinuman 'yan," natatawang sabi nito. Natawa na lang din ang iba at nagpatuloy na sa pagkain. Nagtawag ito ng katulong at nagpakuha ng bagong inumin. Nahihiyang inilapit ko ang tubig sa akin.
"Pasensya na po," mahina kong sabi. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa akin na para bang namamangha.
"Anak ka ni Casianna at Reeve, isa kang Madriaga and yet you don't know the basic table ettiquete? That's surprising!" he said with full surprise in his voice. Natigilan ako roon at nahinto sa paghiwa ng karne. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya't nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
"I mean, they're so renowned for their field! At isa sa mga pinaka-successful sa kanilang ginawa. But of course, with all their projects, I doubt they still had time for their kids. Ako kasi, sinisigurado kong may oras ako para rito kay Adi--"
"Dad," putol ni Adi sa tatay niya. Nilapag ko ang tinidor at kutsilyo ngunit nanatili ang hawak ko sa mga ito. Nilingon ko ang heneral sa tabi ko at nginitian.
"Bata pa ho ako nang namatay ang magulang ko. At okay lang sa akin na busy sila sa trabaho nila. Lalo na at ang ginagawa nila dati ang dahilan kung bakit tayo ligtas dito sa loob, at kung bakit din po kayo nakaupo sa pwesto niyo." Nginitian ko pa siya ng mas malaki bago tuluyang tumayo.
"Mauuna na po ako sa likod. It seems like I'm not fond of the way this meat is cooked. I like my meat prime and cooked rare, tsaka gusto ko rin hindi galing sa pondo ng mamamayan. Now, If I may excuse myself."