"What... the... hell?" Was all I could utter. Bago pa kami muling nakapag-react ay may kumatok muli ng tatlong beses. The last time was harder than usual. Para bang napikon na ang gumawa noon sa tagal ng pagsagot ng nasa taas.
A loud bang ended the knocks. Walang umimik sa aming dalawa, tatlo, kung tao man ang nasa loob. There's a possibility that it's an animal. But with the case of its knocks, I highly doubt any animal would knock like that.
Umatras ako mula sa kana. The now bare bed frame looked majestic with the intricate details. Hindi ko agad napansin iyon kanina. The all white color almost camouflaged the carvings on the single bed. Inalis ko ang tingin doon at binalingan ang kasama.
She's shocked, obviously. Sino ba namang hindi magugulat kung malaman mong may laman palang... nabubuhay na nilalang ang ilalim ng isang kama sa isang lugar kung saan ka nakatira? Nang naalala kong nahiga ako roon ay nangilabot ako. Now I'm thinking, hindi ba ito nagparamdam noong nakahiga pa ako?
The fact that there's a possible person there, no, that there is a person in there, is baffling me. Gaano na ba ito katagal sa ilalim? Can it breathe? If it's been there for days, or just even hours, then it means it has fresh air to breath.
What if it's a person from the only entrance and exit of this place? Wala kaming pagpipilian kung hindi buksan iyan at hanapin ang daan palabas. There's no other way, literally.
"Okay, we're opening that up." There wasn't a hint of suggestion in my voice. It was a full command. Sa tingin ko'y hindi rin naman siya papayag na hayaan na lang ang tao sa ilalim, given her curious nature as a scientist.
"O...kay..." Was her only response. Ayos na sa akin iyon. Ni hindi ko na nga kailangan ng sagot niya. Sa ayaw at sa gusto niya ay bubuksan ko iyan. But her agreement is a step. Maybe she can help me, and then my view of her can change.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masasabing may tiwala na ako sa kanya. Hindi ganoon kataas ang lebel ng pagiging mabait ko, kung mayroon nga ba ako noon sa loob ko, para tanggapin na lang ang kanyang mga sinasabi.
Though I am almost a hundred percent sure I can tell when she's saying a true statement or not. Hindi ko alam kung paano nangyayari iyon pero nalalaman ko. Hindi base sa t***k ng puso niya, o sa kaba sa mukha niya, kung hindi sa kanya mismo. Something is connecting me to her, and maybe it's the same way around.
I didn't have time to dwell on that idea. Agad akong lumapit muli sa kama at bahagyang inilapit ang tenga sa sahig nito. There were no noise. Mas inilapit ko pa ang tenga ko upang marinig ang kahit kaunting ingay ngunit napatalon ako nang may biglang kumalabog mula sa loob nito.
"Goodness gracious!" Doktora Kovie shrieked. Napasigaw din ako ngunit agad akong nanahimik nang napansing tumigil ang dire-diretsong pagkatok nang nagsalita si doktora. It can hear us.
I signaled her to stay quiet and lowered my body. I had another plan. To check out the sound by the side. Kapag sa taas kasi ay kailangan ko pang ilapit ang tenga ko sa papag, halos mahiga na ako tuwing gagawin iyon. That causes noise. And I don't feel like revealing our existence yet.
Hindi ko sigurado kung anong maaaring mangyari sa amin sa oras na buksan namin 'yan. So many things could be inside. So many threats are possible. Worst case scenario, patayin kami ng taong nasa loob. Kung tao man ito.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang inilapit ang tenga sa gilid ng kama. The intricate carvings were more visible on the sides. The bed's floor was a blank canvas, but here is like an art gallery. Various art forms are hiding, camouflaging in white colors. Halos hindi na iyon makikita ng kung sino.
Kulay puting pintura ang gamit para pinturahan ito ng isang imahe. The best depiction I could have is a butterfly. Mayroon ding ukit sa gilid, another butterfly. There were many butterflies. Some cocoons, some things that are weird and very unfamiliar to me.
I skipped the art and focused on what I'm trying to achieve. Idinikit ko ang tainga ko sa gilid. Pagkadikit ko ng tenga ko ay pumikit agad ako para mas madepina ang pokus ko sa pandinig. Sinusubukan kong makakuha ng kahit anong tunog mula sa kabila. Anything that could give away any information.
Kung ilan sila roon, kung ano nga ba ang naroon, kung may pakay ba sila sa amin, kung alam ba nilang nandito kami, kung kami ba talaga ang target, kung sino nga ba sila. There were too many questions to be answered that no closed doors would give justice too.
The silence was deafening. Wala akong naririnig ni isang kuliglig man lang. Kahit na simpleng pagtama ng maliliit na bato, o ang mahihinang kaluskos ng bawat paggalaw nila. There was nothing. Not even minimal sounds.
Bumuntong hininga ako nang napagtantong wala akong naririnig mula rito sa gilid. Maybe the sides are made with thicker materials, or noise cancellation, or whatever barricade there is from helping us get some info.
Idinilat ko ang mata ko at halos mapatalon ako nang bumungad sa akin ang mukha ni doktora. She's staring at me straight in the eye. Her eyes screamed fear. Nanlaki ang mata ko nang nakita ang kabuuang sitwasyon niya.
May busal siya sa bibig at may sugat din sa bandang noo. It looks like she was hit by a gun!
Titingin pa lang ako sa paligid ay natigilan na ako. I felt a cold metal in my temple. Napalunok ako sa kaba. Gusto ko mang lingunin kung sino ang may hawak ng baril ay pinipigilan ako ng mariing pagdiin nito sa noo ko.
The fear I saw in Doktora Kovie's eyes were replicated in mine. I can almost taste the distress we're both feeling. I can't fathom whether it's the effect of us being connected in some way, but it wasn't the priority right now.
What my priority should be is how the hell am I going to escape this situation, alive and kicking?!
Before I could even think of a plan, a hard hit on my head erased my bare consciousness. Ang huli kong nakita ay ang butterfly tattoo sa isang paa ng nasa harap ko.