"Her Laughter"

1013 Words
chapter 5 "Her Laughter" Zeo matapos kung iwan ang babaing 'yun ay dumeretso ako sa Mens Restroom para tignan ang mga nakuha kung galos kanina... hays, kailan pa ba matatapos ang kamalasan kung ito? "gusto kitang maging kaibigan" parang sirang plakang nagpabalik-balik ang mga salitang 'yan sa utak ko.. kahit anong gawin kong panghihilamos ay parang naka-ukit na ata yan sa hangin at segu-segundo nalang pumapasok sa tenga ko hays...... ano bang nakain ng babaingng 'yun at ang lakas ata ng naging side effects sa utak niya? ako? sabay turo ko sa sarili sa salamin. gustong maging kaibigan ng isang 'yon???? isang kabaliwan! titig na titig sa salaming napapabuntong-hininga nalang ako... di ko talaga maisip na sa mahabang panahong pagtyatyaga ko dito sa pisting skwelahan na ito ay may bigla-bigla nalang susulpot at sasabihing gusto niya daw akong maging kaibigan! kabaliwan, isang napakalaking kabaliwan! "bakit ba ayaw mong maniwala?" napaigtad ako ng may marinig akong isang boses sa likod ko. at hindi makapaniwalang napapatitig ako sa maganda niyang mukha... nakatayo lang siya sa may hamba ng pinto ng restroom na ito at nagkatitigan kami gamit ang salamin "ano ba talaga ang tripping mo Miss??" naiirita kong tanong sa kanya. eh sa hindi talaga ako naniniwala sa kanya ehh ano bang problema nito? "ikaw! ikaw ang problema ko! bakit ba ayaw mong maging kaibigan ko? hindi naman ako kumakain ng tao? pangit ba ako? hindi ba ako sexy? hindi ba ako kaaya-ayang tignan? bakit ayaw mo sa akin?" sabi niya sa napaka-arteng boses at habang sinasabi niya iyon at dinidescribe niya ang sarili niya ay nakataas ang kanyang mga kilay at napapairap pa talaga.... 'ngayun mo sabihin sa akin na dapat ko ba talagang tanggapin ang isang maganda, maarte, sexy, at isang nakaaya-ayang tignan na babae na maging kauna-unahang kaibigan ko!' gusto ko sana sabihin sa kanya 'yon kaso minabuti ko nalang na isa-isip ang lahat ng mga ito baka kung saan pa ako dalhin ng mga sinabi ko. "Miss, hindi nga kita kilala ehh---" "I'm Nica" sabi niya sabay lahad ng namumula niyang mga palad habang may magagandang ngiti sa mga labi niya shit, kamay palang mayaman na..... tsk "and I'm not interetsed" sabi ko ng hindi tinatanggap ang pakikipag-kamay niya at pinagpatuloy ko ang paglilinis sa mukha ko nang makaalis na ako sa pisting banyo na ito... masyado siyang malapit sa akin at hindi na mapakali ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. mas binilisan ko pa ang paglilinis nito ng maymarinig akong mahinghing tumatawa mula sa likuran ko. at dahil masyado talaga ata akong chismoso ay itinaas ko ang aking mga mata at tumingin sa salamin ng dahan-dahan at nakita ko itong titig na titig sa akin habang mahinghing tumatawa... at bigla nalang ata akong nabingi wala na akong napapansin maliban sa mga tawa niya... napapalunok na nilingon ko siya at bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko nalang na dumapo ang mapupula niyang palad sa may leeg ko at hinaplos ng hinaplos niya iyon... hindi ko man lang naramdamang lumapit siya... "a-anong g-g-ginagawa mo?" pabulong kong tanong at hindi ako sigurado kung narinig niya ba ang tanong kong ito dahil sa masyado na akong kinakapos sa paghinga... masyado siyang malapit sa akin at hindi na ako makagalaw masyado niyang ninanakaw ang lakas ko "may sugat ka, masakit ba?" tanong niya sa mababang boses at seryosong tinitinggan ang leeg ko at dahil malapit lang talaga ang mukha niya ay hindi ko maiwasang titigan ang napakaganda niyang mukha makinis ang mukha niya, may matatangos na ilong, mapupulang labi at napakahabang pilik-mata... masyado akong naging pokus sa mukha niya kaya hindi ko narinig ang mga pinagsasabi niya "a-ano?" "sabi ko masakit ba? malaki-laki ang sugad mo dito oh!" sabi niya at bigla nalang itong pinitik kung saan daw may sugat ako at dahil sa pag pitik niyang iyon ay biglang bumalik ako sa katinuan at parang napapasong lumayo sa kanya at dahil sa biglaan kong pagbibigay distansya sa aming dalawa ay naiwan sa ere ang kamay niyang kani-kanina lang ay humahaplos sa leeg ko. fuck "ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? bakit ka pumapasok ng hindi naman nararapat sa gender mo? hindi ito pambabae kaya lumabas ka nga at wag kang bigla-biglang lumalapit sa akin dahil hindi magandang tignan!" napipikon na talaga ako sa babaing ito mga ilang oras palang kaming nagkasama ay marami na siyang naipaparamdam sa akin na kakaiba idagdag mo pa na gusto niya daw akong maging kaiban! nakakabanas na talaga.. "hahaha" napipikon ka na nga tapos ang kausap mo naman ay tumatawa lang.... I'm done! walang paa-paalam na umalis ako sa harap niya at dahil makapal talaga ang mukha niya ay sinu-sundan niya parin ako habang tumatawa wag mong pansinin niyan Zeo, mapapahamak ka talaga pag pinatulan mo pa 'yan. "hey" dinig kong sabi niya kaya mas binilisan ko ang pagalalakad patungong locker ko... anong oras na ba? bakit naman kasi nganon pa naisipang mambwesit ng babaing ito ehh! malilintikan pa ata ako sa mga teacher namin. tsk "hey! ano ba? hindi mo talaga ako papansinin?? hey?! hey!? hey?!!!" sabi niya kaya naman lakad takbo ang ginawa ko malapit na ako sa locker ko nang bigla nalang itong sumigaw kaya mas trinipli ko na ang hakbang ko "ya!!" sabi niya ng maabutan ako at hinila niya ang manggas ko at dahil masyadong malakas ang pagkakahila niya at dahil me'sa lampa talaga ako ay nawalan ako ng balanse at natumba kaming dalawa. at dahil siya ang nasa likod ko patagilid akong bumagsak sa katawan niya at tumama ang pisngi ko sa dibdib niya at ang kanang kamay ko naman ay napahawak sa may ulohan niya kaya ang braso ko ay nakadantay sa kaliwang dibdib niya.... wala akong marinig, wala akong masabi.... malalaking mata at nakanganga akong dahang-dahang nag-angat ng tingin sa posisyon naming dalawa bago umabot ang paningin ko sa kanya at natatamiming napapatitig sa mga kulay brown niyang mga mata "ang bigat mo" sabi niya na may nakakalokong ngiti kaya mabilis pa sa alas-kwatro akong napatayo dahil sa hiyang nararamdaman ko... at walang lingong iniwan siya... fuck f**k f**k!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD