GABRIELLA'S POV “Ba–Ba’t nasa hospital si Vandave? A–Ano bang nangyari?” kabadong tanong ko. “Natusok siya ng bakal, Ate kaya dinala namin siya sa hospita para ma–inject–an siya ng tetanu,” imporma sa akin ni Gemie. “Ano bang ginagawa niya at napadpad raw siya sa universidad ninyo?” takang tanong ko. “Kami pinuntahan niya, Ate dahil hinahanap ka niya. Sinabi namin ni Sarina ang sinabi mo na sumama ka kay Kuya Gray para hindi na siya magtanong pa, pero nangungulit. Naaawa kami ni Sarina sa hitsura niya dahil umiyak siya kanina. Pumayat na rin siya, at mabalbas na, tapos may sugat–sugat pa kamay niya, Ate,” saad sa akin ni Gemie dahilan upang mapalunok ako. “Kumusta na siya?” tanong ko. “Umalis na kami ni Sarina, Ate dahil kaya naman daw niyang magmaneho, kaya ‘di namin alam ku

