GABRIELLA'S POV “Magtago ka na sa banyo dahil nandyan na ang jiwa mo!” tulak ko kay Sir Vanve at inayos ko ang suot ko. “Sa kung ayaw ko dahil nabitin ako,” maawtoridad na aniya sa akin dahilan upang magsalubong ang kilay ko. “Bitin ka? Marami pa namang araw kaya, magtago ka na dahil ayoko ng eskandalo,” matigas na saad ko at itinulak ko siya papasok ng banyo. “Huwag kang maingay riyan at umutot ka, para kunyari na tumatae ka,” mahinang wika ko. “Baka kapag pinilit kong umutot, tae talaga lalabas,” gagad niya. “Mas okay ‘yon, para maniwalang may tumatae riyan,” segunda ko at isinarado ko na ang pinto. “Ba’t hindi n’yo buksan ang pintong ito dahil naiihi na ‘ko,” narinig kong saad ni Angrlie at halatang naiinis na ito. Humugot naman ako nang malalim na hininga at sinuri ko

