GABRIELLA'S POV “Takte!” sigaw ng isipan ko dahil hindi ko kayang makipagsalubong ng titig kay Sir Vandave. “Relaks ka lang, Gabriella, relax ka lang,” bulong ng isipan ko. Huminga ako ng malalim na hininga at hindi ko ipinahalatang kinakabahan ako. “Here’s your order, Sir, Ma’am,” nakangiti na sambit ko at inilapag ko ang tray ng alak. Isa–isa kong ibinigay ‘yon sa kanila at napansin ko ang isang pigura ng babae na nakataas ang kilay nito sa akin. “Oh, it’s you!” ngisi ni Angelie sa akin at katabi nito si Sir Vandave. “Tingnan mo nga naman, dito pala nagtatrabaho sa gabi ang janitress ng del empire,” dagdag pa nito na pinasadahan ako ng tingin. “Ang puti mo riyan sa skirt na ‘yan at bagay na bagay ‘yan sa ‘yo,” ngisi pa nito. “Baka malaki pangangailangan niya kaya pinatos niya na ang

