Chapter 69: BUNTIS SI GABRIELLA

1101 Words

“Na–Nasaan ako, Gray?” tanong ko dahil hindi naman ito ang bahay na tinutuluyan namin. Nakahiga ako’t umiikot pa rin ang paningin ko hanggang ngayon, kaya ayokong lumingon–lingon sa tagiliran ko. Ngumiti sa akin si Gray, ngunit ang ngiti na ‘yon ay may halong lungkot. “Nandito ka sa hospital, Gabriella dahil nawalan ka ng malay kanina. Nag–alala na ‘ko’y malapit naman ang hospital sa pabrika, kaya dinala kita rito,” pahayag nito sa akin. “A–Anong sabi ng doktor, Gray? May sakit ba ‘ko? Malala na ba?” sunod–sunod na tanong ko. Ginagap niya ang kamay ko. “Wala kang malalang sakit, Gab.” “Kung wala akong sakit, eh, ano?” gagad ko, at nagsimula na kong kabahan dahil mabigat na buntong–hininga ang pinakawalan ni Gray. “Ba’t hindi ka makasagot? Kamo na wala akong sakit, eh, ano kung ga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD