“f**k!” sambit ni Sir Vandave sabay halik ng mariin sa labi ko dahilan upang magdugo ito, kaya itinulak ko siya. “Masakit ba, ha? Masakit!” asik niya sa akin. “Alam kong hindi ako mayaman, Sir Vandave at kailanman ay wala sa hitsura ko ang mayaman dahil nga nagpapanggap lang ako bilang asawa mo. At lumaki akong salat sa buhay. Pero huwag mo naman sana akong insultuhin dahil ginagawa ko lang inuuutos mo sa akin. Saka, Oo na hindi ako nakapagtapos at walang hinahawakang diploma, hindi tulad mo na lumaking may gintong kutsara sa bibig. Pero alam kong rumespeto sa mga nakatataas sa akin,” garalgal na sambit ko dahil sumusobra na siya. “Tsk, ang drama mo, eh, tapos na ang pagpapanggap at wala na si papa rito. And one more thing, wala akong pakialam sa mga sinasabi mo dahil sino ka ba para

