GABRIELLA'S POV “So nandiyan na ba ang boss ninyo, Miss Waitress nang maipagpaalam ko ‘tong magandang dilag na katrabaho mo’t makilala ko naman siya ng husto,” nakangiti na saad sa akin ni Sir Vandave. At talagang iniinis niya ‘ko. “Ang alam ko, Sir ay parating pa lang ang boss namin dahil alas siyete na, kaya hintayin mo na lang siya and have a good time sa kasama ko at tiyak kong mag–e–enjoy ka sa kanya,” ngiti rin na tugon ko. “Yeah, dahil ngayon pa lang ay nag–e–enjoy akong kausap siya. At ganitong–ganito mga gusto kong babae, hindi ‘yong nakakainis kausap. So just inform me kung nandiyan na boss ninyo dahil hindi na ‘ko makapaghintay pang ilabas itong magandang dilag na kasama mo,” maawtoridad na wika ni Sir Vandave na ginagap pa ang kamay ni Ivanna at talanding–talandi naman

