GABRIELLA'S POV “Vandave!” sigaw ni Angelie, at lumapit ito sa akin. “May bubog ang kamay mo,” kabadong sambit nito. “Iwanan mo na ‘ko at ako na mismo ang pupunta sa doktor,’ matigas na sambit ko. “Huwag kang ma–pride, Vandave dahil hindi mo kayang mag–isa. Look at yourself, halos magkatumba–tumba ka na,” sermon sa akin ni Angelie. “Wala kang pakialam. Angelie,” gagad ko at nagtawag ako ng taxi. Sumakay ako at nagpahinto ako sa hospital, sa doktor na kilala ko. Bumaba ako’t tinungo ko ang loob. Masakit ang sugat ko na ito, ngunit mas masakit ang ginawa ni Gabriella sa akin. “Humiga ka na, Mr. Del Fuego at gamutin ko na ‘yang kamay mo,” pahayag ni Dr. Smith sa akin, ang doktor ng Tatay ni Gardo. “Nanggaling na ba si Tatay Gardo rito, Dok?” tanong ko sakaling nagpatingin sila ka

