GABRIELLA'S POV “O, ba’t hindi ka makasagot, Gabriella? Sa’n mo kinuha ang perang pinambili mo rito sa mga materyales, ha. At nandito na rin ang gagawa ng bahay natin at sampu sila,” imporma ni inay dahilan upang mapamaang ako. “Um, punta na ho ako riyan, Inay,” sambit ko at pinatayán ko na sila ng tawag. Pero alam kong iisang tao lang ang may gawa nito. Kinuha ko ang maliit na backpack ko. Closer naman ang pasok ko ngayon at alas diyes kensi, kaya may oras pa ‘kong umuwi sa bahay. Lumabas na ‘ko at ni—lock ang pinto. Tinungo ko na ang gate at tamang–tama dahil may nakaparadang taxi, kaya sumakay na ‘ko para mas mabilis ang pag–uwi ko dahil gusto ko ng makita ang sinasabi ni inay. Pagdating ko’y agad akong bumaba at napanganga ako dahil hindi nga nagbibiro ang nanay ko. Kaya luma

