Chapter 34: Susunduin na ni Vandave si Gabriella

1530 Words

GABRIELLA'S POV “Gu–Gusto mo ‘ko?” hindi makapaniwalang sambit ko kay Gray dahilan upang ngumiti ito. Hinaplos nito ang mukha ko. “Yes, Gab, gustong–gusto kita noon pa man kaso hindi mo lang ‘yon napapansin dahil mga bata pa tayo noon. Kaya pinilit kong mag–aral at magtapos, at siyempre ang mag–abroad para pagdating ng panahon ay maipagmamalaki ako sa ‘yo.” Pagak naman akong ngumiti. “May maipagmalalaki ka nga sa akin, pero ako naman ay wala, kaya luging–luging ka sa akin dahil sa bukod sa maganda ang trababo mo’y marami ka ng napundar. Samantalang ako’u pawis lang naipundar ko.” “Ano naman ngayon kung wala akong naipundar? Lalaki naman ang magbubuhay sa pamilya niya, hindi ang babae,” saad nito. “Kaya puwede ba akong manligaw sa ‘yo?” tanong pa nito, kaya lihi akong napalunok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD