GABRIELLA'S POV “Anong kasalanan ko sa inyo para sampalin n’yo ‘ko ng gan’yan?” mariing sambit ko sa matandang kaharap ko. “Ang laki mo namang boba para hindi mo kilala ang isang katulad ko. At hindi mo ba narinig ang sinabi ng manunugangin ko, ha! Ako lang naman ang ina ni Vandave, ako si Monina Del Fuego kaya kung ako sa ‘yo’y layuan mo ang anak ko, ‘cause look at you!” Pinasadahan ako nito ng tingin at tila para itong nandiri sa akin. “Hindi ko maaatim na sa isang janitress lang magkagu–gusto ang anak ko!” gagad nito sa akin. “Kayo ho pala nanay ni Sir Vandave, Madam. Pasensya na po kayo dahil hindi ko ho alam. Isa pa’y trabaho ang ipinunta ko rito, hindi ho para makipag–away,” mahinahon na pahayag ko dahil may respeto pa rin ako sa matanda, lalo na at ina pala ito ni Sir Vandave.

