GABRIELLA'S POV “Nasasaktan ka, Gabriella? Nasasaktan ka, ha! Nasasaktan ka sa mga sinasabi ko dahil ‘yon ang totoo! Dahil kung mahal mo ‘ko, lahat ng kilos mo’y alam ko lalo na kapag nakikipagkita ka sa putáng ináng Gray na ‘yon!” galit ni Sir Vandave. At tumalikod siya sa akin, sabay lagok ng alak. “Hindi naman lahat ay puwede kong sabihin sa ‘yo dahil may privacy rin ako. At saka ba’t ikaw, hindi mo rin naman sinabi sa akin na makipagkikita ka kay Angelie, pero may narinig ka ba sa akin, ha? Wala ‘di ba, kahit magkasama kayong dalawa kanina. Tapos gan’yan kung magalit ka,” segunda ko dahilan upang humarap siya sa akin. “Business partner namin ang magulang ni Angelie, kaya natural lang na magkasama kami bilang pakihaharap sa kanila. Eh, kayo ni Gray? May business ba kayong pinag–uus

