GABRIELLA'S POV “Si–Sir Divo? Pa’no n’yo ho alam ‘tong sa a—uhg!” sambit ko dahil binigyan ako nito ng malakas na sampal dahilan upang mapabiling ang mukha ko. “Manloloko kang babae ka! Manloloko ka! Akala ko pa man din ay mayaman ang angkan mo, ‘yon pala’y isang kahig usang tuka kayo! At ngayon ay alam ko na ang sikreto n’yo ng anak ko dahil dito!” gagad ni Sir Divo na may kinuha sa brown envelope at itinapon sa mukha ko ang papeles at nalaglag ang mga ito. At nakita kong contract marriage namin ni Sir Vandave at ang kasunduhan naming dalawa ang mga ito. “Magpaliliwanag ho ako sa inyo, Sir Divo, hindi ko intensyon na lokohin kayo. Nangangailangan ho ako that time, kaya hindi na ‘ko tumanggi sa alok ni Vandave. Pero ngayon naman po ay nagmamahalan kaming dalawa at ikaka— “Tumigil ka

