GABRIELLA'S POV “Ba–Bakit may party pa, Papa? Kahit hindi na para hindi na kayo gumastos, kaya i–cancell n’yo na lang ‘yon nang—" “Hayaan mo na ‘ko, Hijo dahil gusto ko nang malaman ng mga kasosyo natin sa negosyo, at ng mga kababaihan that you’re already married to Ms. Gabriella. At doon ko pipirmahan ang ilang dokumento na ipamamana ko, sa ‘yo. Kaya ikaw, Hija, lahat ng families ang friends mo’y imbitahan mo. At sana’y makarating ang magulang mo dahil gustong–gusto ko na silang makilala,” pahayag ni Sir Divo dahilan upang mapalunok ako. “O, siya at mauna na ako at ilipat n’yo na ibang gamit n’yo rito,” dagdag pa nito at iniwan na kami. “Shít!” inis na sambit ni Sir Vandave sabay suntok sa pinto. At matalim siyang tumingin sa akin. “Kung alam ko lang na ito ang plano ni papa, sana’

