GABRIELLA'S POV “Stop, Angelie! Stop, Angelie!” gagad ni Sir Vandave na hinila palayo sa akin si Angelie dahil sinabunutan ako nito. Pakiramdam ko’y tumagos hanggang anit ko ang klase ng sabunot niya. At parang sanay na sanay itong makipag–away. “Malandi ang babaeng ‘yan, Babe! Malandi, kaya hayaan mo kung kantihin siya!” sigaw nito na pilit inaalis ang kamay ni Sir Vandave mula sa braso nito. “Ayaw kitang patulan, Angelie dahil baka lumabas ang buong sungay ko na si Sir Vandave lang ang nakakikita,” segunda ko. “Ikaw pa ngayon ang matapang, ha! Ikaw na nga itong nang–aagaw, ikaw pa itong may ganang magalit! At anong feeling mo? Magugustuhan ka ni Vandave porke gan’yan ang awra mo ngayon? My nerves!” asik nito. “Mang–aagaw ba ‘ko ng jowa nang may jowa, ha? Natatawa lang ako sa

