GABRIELLA'S POV “Anong ginagawa mo riyan sa kuwarto ni Vandave, Gabriella at nandiyan ka?” matigas na tanong ni inay sa akin. “Ha–Ha? U–Um, kinuha ko lang ho ‘yong susi ng building dahil ako magbubukas, Inay,” nauutal na sambit ko. “Susi ng building? Bakit, kailan ka pa naging security guard at ikaw ang magbubukas ng building?” gagad ni inay sa akin. “Hi–Hindi ho kasi iniwan ni Sir Vandave ang susi sa guard, ‘Nay kaya ako ang magbubukas, pero sasabay na lang siguro ako sa kanya para tipid ng pamasahe,” ngiti na pahayag ko. Huminga ng malalim si inay. “Akala ko’y kung ano na ginagawa mo sa kuwartong iyan ni Vandave. At gusto kong sabihin sa ‘yo, Gabriella na ayokong isuko mo ang ‘yong bataan dahil si Gray ang gusto ko dahil kilalang–kilala na namin ang magulang niya, at parehong

