GABRIELLA'S POV “You’re fuckíng drunk, Gabriella, kaya magpahinga ka na, hindi ‘yong kung anong pinagsasabi mo,” matigas na sambit ni Sir Vandave sa akin. Mabuti na lang at naniniwala talaga siyang lasing ako kahit hindi naman, kaya natuwa ako sa bagay na ‘yon, kaya sasamantalahin ko na. “Lasing? Tsk! Ibaba mo ‘ko!” protesta ko at pinagpapalo ko siya sa dibdib. “Hindi mo kaya sarili mo, okay! At baka matumba ka lang,” gagad niya. “Ah, basta, ibaba mo ‘ko dahil naiinis ako, sa ‘yo! Naiinis ako!” asik ko, kaya naman ibinaba niya na ‘ko at halos matumba ako, kaya mabilis pa sa kabayo na hinawakan niya ang baywang ko. “I fuckíng told you na hindi mo kaya ang sarili mo dahil ang dami mong nainom!” asik niya sa akin. “Pakialam mo ba kung marami akong nainom, at saka bitiwan mo nga

