GABRIELLA'S POV “May problema ba, Love dahil gan’yan kang magsalita?” mahinang tanong ko, dahilan upang umiling siya. “Wala naman, Love.” Ngumiti siya at ginagap ang kamay ko. “Nasabi ko lang ang bagay na ‘yon dahil baka maagaw ka pa sa akin ni Gray. One time kasi na narinig ko kayong nag–uusap na dalawa. Hindi na lang kita kinompronta dahil alam ko namang ako ang mahal mo,” aniya na niyakap ako patalikod sa kanya. “Sinabi ko lang sa kanya na hindi niya ‘ko makikita nang dalawang linggo dahil nasa Visayas ako. At para hindi siya magtaka, sinabi ko na nakatira sina inay sa bahay mo pero tulong ‘yon. Hindi na rin siya nagtanong, kaya huwag ka ng mag–isip pa ng kung ano,” saad ko. “May tiwala ako sa ‘yo, pero kay Gray ay wala,” wika niya. “Mabuting tao so Gray. At dapat nga na ak

