Chapter 4: WEDDING: YOU ARE MINE NOW, GABRIELLA

1121 Words
“Good job, Ms. Gabriella,” ngiti ni Sir Vandave sa akin nang matapos kong pirmahan ang kontrata namin nang hindi ko na binasa ang nakasaad roon dahil alam kong hindi naman niya ako lolokohin. “Mamayang alas dos ang seremonyas ng kasal natin sa huwes at gusto kong mag–ayos ka,” saad pa niya dahilan upang mapamaang ako. “Ba’t ma–may seremonyas pa, Sir? A–Akala ko ho ay okay na ‘yang pinirmahan kong kontrata natin?” untag ko sa kanya, kaya naman nagsalubong ang makapal niyang kilay. “Tsk! Isa roon ay kontrata nating dalawa na magpapakasal ka sa akin this day para alam kong hindi mo ‘ko lolokohin at sisipot ka’t maging totoo ang ating kasal at may maipakikita akong ebidensya kay papa na ikinasal nga tayong dalawa. At huwag ka na ngang magtanong dahil pumirma ka na at lahat ng sasabihin ko’y susundin mo,” matigas na sambit niya. Kinuha niya ang brown envelope sa loob ng drawer. “Take this,” aniya na inabot ‘yon sa akin. “A–Ano ho ito, Sir?” takang tanong ko dahil mabigat ito. “Nakikita mo namang envelope ‘yan, nagtatanong ka pa. Open it nang malaman mo kung anong nakalagay riyan,” gagad niya, kaya naman pinamulahan ako ng mukha. Binuksan ko ang brown envelope at napaawang ang labi ko dahil may laman itong libo–libong pera. “Gagamitin mo ‘yan para pangrecover ng tatay mo at ako na rin bahala sa lahat ng expenses niya sa hospital. Puntahan mo na sila at ilipat sa St. Claire at tatawagan ko ang kilala kong Urologist doon. Umalis ka na at huwag kang mag–alala dahil bayad ang isang araw mo. But, wait. Take this at ibili mo ng susuotin mo para sa kasal natin mamaya,” aniya na humugot ng limang libo sa pitaka. “Hi–Hindi na, Sir dahil may puting bestida naman ako sa bahay at may sandals,” nahihiyang sabi ko. “Bestida? Ano ka, matutulog? Bumili ka dahil ayaw kong magmukha kang basahan kapag kinuhanan tayo ng wedding picture. At mag–parlor ka rin ng gumanda ka naman, so here,” aniya na kinuha ang kamay ko at inilagay ang five thousand. “What are you waiting for? Umalis ka na!” asik niya. Kinuha ko ang mop at lumabas na ako sa opisina niya. Bumaba na ako sa first floor at tinungo ko ang locker ko. Lumabas na ako at sumakay na ‘ko sa taxi. Pagdating ko sa hospital ay pumasok na ako sa loob nagtanong ako sa nurses station kung saan ang ward ni tatay. Tinungo ko naman ang sinabi nilang room at naiyak ako sa hitsura ni tatay. Sinabi ko sa doktor na ililipat ko ang tatay ko at pinapirma nila ako ng waiver. Isinakay ang tatay ko sa ambulancia at binaybay na namin ang daan patungo sa St. Claire kung saang hospital ‘yon ng mga mayayaman. Pagdating namin dito ay ipinasok agad namin si itay dahil sumisigaw na talaga sila sa sakit. “Tiis lang po, Itay, tiis lang po,” pagpalalakas loob ko sa kanila. Tinanong kami ng doktor kung anong pangalan ng pasyente at sinabi ko agad rito. “So, sila ‘yong nabanggit sa akin ni Mr. Vandave. Ipasok na po namin si tatay sa operating room. At kami na ho ang bahala dahil ‘yon ang bilin ni Mr. Vandave,” ngiti nito at ipinasok na nga ng mga nurse si tatay sa O. R. At isinarado ang pinto. “Sino si Vandave, Gabriella? At ba’t dito natin dinala ang tatay mo? Wala naman tayong malaking halaga para ibayad sa kanila,” nagtatakang saad ni inay. “Ang mahalaga, Inay ay maging okay ang kalagayan ni tatay. At boss ko po si Vandave at umutang ho ako sa kanya,” lunok ko. At hindi na nga sila nagtanong. Tinawagan ko ang bunsong kapatid ko na um–absent muna para pumunta rito sa hospital. Kinuha ko ang brown envelope at ibnigay ito kay inay. “Ito ang pera, Inay at may aayusin lang ho ako,” saad ko. “A–Anong aayusin mo? ‘Kita mong nandito sa hospital ang tatay mo’y inuuna mo pa ‘yang lakad mo,” sermon nila sa akin. “Mabilis lang ho ito,” sambit ko. At mabilis akong naglakad palayo sa kanila. Pumunta ako sa malapit na mall at bumili ako ng mga isusuot ko. Nagbihis na ako’t nagpaayos sa parlor nang magring ang phone ko at unknown number ito. “Hello,” sagot ko. “Hihintayin na lang kita sa Makati’s municipal,” matigas na sambit ng lalaki at pinatayan ako ng tawag. At alam kong si Sir Vandave ‘yon. Pagkatapos kong nagpaayos ay sumakay na ako sa grab. Pagdating ko sa munisipyo ng Makati ay naghihintay na si Sir Vandave at may kasama siyang camera man. Tumitig siya sa akin kaya naasiwa tuloy ako at nagtataka pa ako dahil Huwebes naman pero walang mga empleyado. “Ang tagal mo! Tapos, naka–backpack ka pa,” asik niya na inalis ang backpack ko at inilagay sa kotse niya. Suplado talaga ang lalaking ito! “Ba’t walang tao rito, Sir?” hindi napigilang tanong ko. “Binayaran ko ang mayor nila para pauwiiin ang mga empleyado dahil ayaw kong may makaalam na ikakasal ako ngayon. Baka, malaman pa nila at sabihin na wala akong class at taste sa babae,” segunda niya, kaya hindi na lang ako nagsalita. Hinawakan niya nang mahigpit ang nanlalamig na kamay ko at tinungo na namin ang attorney na magkakasal sa amin. At may isang ninong at ninang din kami ni Vandave rito. “Good to see you, Mr. Del Fuego at ang ganda ng bride mo,” ngiti na bati ni Attorney Macatangay. “Umpisahan mo na ang kasal, Attorney,” iritableng wika niya na inilapag ang redbox na naglalaman ng singsing. “Gandahan mo ang bawat kuha mo ng shots, Mel nang mapaniwala ang aking papa,” utos pa niya sa kasama niyang lalaki. “At ikaw naman, tugunin mo ang bawat halik ko mamaya para lalong maniwala ang papa ko na asawa kita dahil alam niyang playboy ako,” baling niya sa akin. At inumpisahan na ni attorney ang kunyaring seremonyas, hanggang pumirma kami ng marriage contract at para talagang totoong–totoo ito. Isinuot sa akin ni Sir Vandave ang wedding ring sa daliri ko at nakapagtataka na kasyang–kasya ito sa akin. “You are mine now, Gabriella,” ngisi niya, sabay siil ng masarap na halik sa akin. At ramdam na ramdam ko ngayon ang init ng labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD