GABRIELLA'S POV “Nasasaktan ako, Vandave,” nasasaktan ako,” nahihirapang sambit ni Angelie dahilan upang bitawan ito ni Sir Vandave. “Umalis ka na, Angelie kung ayaw mong matuluyan kita! Alis!” halos pasigaw na saad ni Sir Vandave. At lumayo siya rito. “Mas pipilihin mo talaga ang babaeng ‘yan over me, ha! Ano bang naitulong niya sa ‘yo no’ng wala ako? Hindi ba’t kailan lang siya dumating sa buhay mo. Atdahil kontratang asawa mo siya’y alam ko na pinagseselos mo lang ako dahil gusto mong gumanti sa akin dahil sa panloloko ko sa’yo! Puwes, pinagsisisihan ko ‘yon,” segunda ni Angelie. “Hindi kita pinagseselos, Angelie. Kung ano man ang nakikita mo sa amin ni Gabriella ay totoo, so leave dahil wala kang space rito,” matigas na wika ni Sir Vandave. At hinila palabas si Angelie palab

