Chapter 3: FIVE MILLION, MS. GABRIELLA!

1222 Words
GABRIELLA'S POV “A–Ano pong sa–sabi n’yo, Sir? A–Ano po ‘yon?” nauutal na tanong ko kay Sir Vandave dahil kinakabahan ako. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at pakiramdam ko’y nanlalambot ang tuhod ko at anytime ay babagsak ako sa sahig. “I said, MARRY ME!” maawtoridad na pag–uulit niya, kaya naman lalo lumakas ang kabang nararamdaman ko. At tila parang nabibingi ako. “Pakiulit ho, Sir da–dahil nabi—” “Bullshít! Only two words, but you don't get it!” sigaw niya sa akin, kaya naman nabitawan ko ang mop sa lakas ng boses niya. Hindi naman siya ganito ka–suplado no'ng una ko siyang makita. Siguro dahil sa sobrang kalasingan ko, kaya hindi ko rin napansin. “Na–Naiintindihan ko naman po kung anong sinabi ninyo, pero baka mali ho ako ng dinig,” napalulunok na depensa ko. “Stupíd!” narinig kong sambit niya, ngunit hindi na lang ako umimik. “Lock that fúcking door and come closer to me,” maawtoridad pa na utos niya, at lalong nadagdagan ng one percent ang kaba ko. “Faster!” asik pa niya sa akin. Tumalikod ako at dali kong ni–lock ang pinto. At pagkaharap ko’y nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya. “Shít, baka nabitin siya kagabi sa ‘yo, Gabriella kaya pina–lock niya ang pinto,” bulong ng isipan ko. “Si–Sir, bakit ho kayo lumapit sa akin? May gagawin po ba ka—” “Ang tagal mo! At isa sa mga ayaw ko ay pinaghihintay ako, lalo na at umiinit ang ulo ko hanggang baba!” matigas na sambit niya na lalong inilapit ang mukha sa akin. Kaya naman amoy na amoy ko ang menthol niyang hininga at hindi ko alam kung magsasalita ako dahil mumurahing toothpaste lang ang gamit ko at baka mabaho ang hininga ko dahil hindi ako nag–agahan. “Si–Sir, ba–baka puwede kayong ano–um, lumayo sa akin da—” “You’re trembling,” agaw na ngisi niya, sabay pasada ng pataas–pababang tingin at naglakad siya palayo sa akin. At humugot naman ako ng malalim na hininga dahil pakiramdam ko’y magco–collapse ako. “Five million pesos, Ms. Gabriella! And all you have to do is to marry me!” mariin na saad pa niya, kaya nanlaki ang mga mata ko sa halagang sinabi niya. “Pe–Pero, bakit ako, Sir? At ba—” “No more buts, okay!” singhal niya sa akin. Hindi matapos–tapos ang gusto kong sabihin sa lalaking ito dahil lagi na lang siyang sumisingit. “I know you need money right now, so why are you still asking? I'm offering five million and you're still going to refuse? Shít! And maybe this is the first time you'll ever hold such a significant amount,” sarkastiko na aniya dahilan upang iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil totoo naman ang sinasabi niya dahil bente mil lang pinakamalaking perang nahawakan ko. “You need money for your father's surgery. And he also needs a kidney transplant, which you do not have the funds to pay for. And one more thing, you're just a janitress kaya wala kang karapatang magreklamo. At dalawang buwan ka pa lang na nagtatrabaho rito, so you don't have a single penny for your father's hospital bills. At, sa tingin mo'y o–operahan siya nang wala kayong maipakikitang pera sa doktor? Public hospital ang kinalalagyan ng tatay mo, which is maraming namamatáy roon, so think about it!” pangongonsensya niya sa akin. Hindi man ako nakapagsasalita ng diretsong english, pero naiintindihan ko kung anong sinasabi niya at alam kong iniinsulto niya na ako. Pero, ba’t alam niya ang tungkol sa pagkaho–hospital ng tatay ko? “Gusto ko pong malaman kung ba’t ako, Sir? Marami namang ibang babae riyan sakaling hindi ko kailangan ng pera ninyo at—” “Because I got your vírginity! Natikman na kita! In short, mabilis kitang makuha dahil ibinigay mo naman agad sa akin nang wala akong hirap, ‘di ba? At hindi rin naman kita inutusang bumukaka,” awtoridad na sambit niya kaya naman nagpanting ang tainga ko. “Alam kong ibig n’yong sabihin, Sir Vandave. Pero hindi ibig sabihin na may nangyari sa atin kagabi ay mabilis n’yo ‘kong makuha. May delikadesa pa rin ako’t may pinanghahawakan,” matigas na depensa ko. “Oh, come on! ‘Wag ka nang mag–inarte, Ms. Gabriella! Pero sige‘t sasabihin ko sa ‘yo kung anong main reason nang ‘di ka na magtanong nang magtanong dahil isa ‘yon sa mga ayaw ko! I can only inherit all of my father's fortune and this company if I have a wife to introduce him to. Kagabi pa sana kita in–offer–an ng halagang gan’yan kaya nga kita nilapitan sa bar. Laking pasasalamat ko dahil ikaw na nagpakita ng motibo sa akin. But after we had séx, you left without saying goodbye. At tadhana na ang nakapaglapit sa atin dahil empleyado kita. At tamang–tama, I want money from my father, and you also need para madugtungan ang buhay ng tatay mo. Dahil kung ikaw rin ang nasa kalagayan ko’y gagawin mo lahat para sa pera. Because money is the source of everything. Tutulungan kita, tutulungan mo rin ako at gano’ng lang ka–simple ‘yon. So take it, or leave it!” mariing saad niya. Pinanliitan pa niya ako ng mata kaya napalunok na naman ako. Ngunit sasagot sana ako nang magring ang phone ko at dinig na dinig ito ni Sir Vandave. Nahihiya tuloy ako dahil ‘di puwede ang cellphone sa oras ng trabaho. Pero, tiyak kong ang nanay ko ito. “Sagutin mo na dahil baka importante ‘yan,” utos niya. Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at si nanay nga ang tumatawag, kaya sinagot ko agad ito. Muling lumapit sa akin si Sir Vandave. Kinuha niya phone ko at ni–loudspeaker ito at ibinalik sa akin. “Anak, nakausap ko ang doktor. Nakiusap ako na operahan na ang tatay mo, pero hindi kami iniintindi rito. Hindi na kaya ng tatay mo, Anak at sumisigaw na siya sa sakit,” umiiyak na imporma ni inay sa akin at naririnig koang pagtangis ni itay sa kabilang linya. Pinatáy ko na ang phone dahil baka humagulgol ako ng iyak dito dahil sunod—sunod na dumarating ang problema ko. Pinahid ko ang luha ko at tumingin ako kay Sir Vandave. “Pu–Pumapayag na, ‘ko, Sir,” sambit ko, dahilan upang mapangisi siya sa akin. “Good. At ililipat din natin ng hospital ang tatay mo para maasikaso siya ng mga doctors and nurses. But before that, sign the papers and this is our contract,” may awtoridad na aniya. At ibinigay ang puting folder sa akin. Lumunok ako ng ilang beses at nanginginig ang kamay kong kinuha ang folder. Tiningnan ko ito at ito tama ba itong gagawin ko? Magpapakasal ako sa kanya nang ‘di ko alam kung anong pagkatao niya? Pero, ito lang ang paraan upang maisalba ang buhay ni itay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD