GABRIELLA'S POV “I really love your lips, Babe,” narinig kong sambit ni Angelie dahil hindi ko na sila tiningnang at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagmo–mop ng sahig. “Maupo na tayo, Angelie habang hinihintay natin ang iba,” dinig kong saad naman ni Sir Vandave. Pasimple akong tumingin sa kanila at hindi ko inaasahan na matiim na nakatingin pala sa akin si Sir Vandave, kaya agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. “Oh, you’re here! Ang babaeng hindi marunong rumespeto sa mga nanditong negosyante,” matigas naman na sambit ni Angelie nang lumapit ito sa akin. “Pa–Pasensya na ho kayo, Ma’am at busy ho ako sa pagmo–mop,” depensa ko dahilan upang pagtaasan ako nito ng kilay. “You’re tied up? And ma’am? Wow, it’s good for you to know na alam mong ilugar ‘yang sarili mo, beca

