“Kiss me back!” mariin na utos ni Sir Vandave sa akin dahil napatulala ako nang halikan niya ang labi ko. “I said, kiss me back!” mahinang gagad pa niya dahil nakatitig lang ako sa mata niya. Tinugon ko na ang labi niya dahil nakita ko ang galit sa mga mata niya. “Umm,” anas niya at pinailalim niya ang halikan naming dalawa.
“Okay na, Sir!” narinig kong sambit ni Mel, ngunit hindi pa rin tumitigil sa paghalik sa akin si Sir Vandave. “Ayos na ho, Sir at marami na kayong shots! Nasarapan na yata kayo sa labi ng bride,” wika pa ni Mel.
“f**k!” usal ni Sir Vandave nang bitawan niya ang labi ko. “Pardon, at nawala ako sa sarili ko. So, is everything okay?” tanong pa niya.
“Okay na nga ho, Sir,” ani Mel na lumapit sa amin at ibinigay ang mga shots namin ni Sir Vandave. At hindi halatang drama lang ito.
“This is so amazing, Mel and I’m pretty sure na hindi na magtatanong ang papa ko,” ngisi ni Sir Vandave. At tumingin siya sa akin. “I guarantee you na mag–e–enjoy ka sa gagawin nating ito,” muling ngisi niya sa akin dahilan upang magsalubong ang kilay ko.
“A–Ano bang gagawin natin?” tanong ko.
‘Yan ka na naman sa pagtatanong mong ‘yan! I hate when you ask me that! And how many times do I have to tell you na susundin mo lahat ng sasabihin ko because you already sign the contracts!” asik niya at iniwan ako.
Ang kulit mo kasi, Gabriella!
Kinausap pa niya si Attorney Macatangay at ang dalawang sponsors, hanggang kay Mel at nakita kong inabutan niya ang mga ito ng puting sobre at alam kong kabayaran iyon sa kanila.
“Let’s go,” aniya at hinila ako palabas ng opisina. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at sumakay ako. Sumakay na rin siya at pinaandar ang sasakyan. “Here,” aniya na ibinigay sa akin ang paper bag. Kinuha ko at isa ‘tong off shoulder dress. “Isuot mo na ‘yan at dito ka na magbihis,” dagdag pa niya, dahilan upang mapatingin ako sa kanya. “Don’t tell me na nahihiya ka pa sa ‘kin. Nakita ko na lahat sa ‘yo, kaya maghubad ka na,” maawtoridad na sambit niya.
“I–Iba naman kagabi dahil lasing ako’t malakas ang loob ko, kaya puwede bang itigil mo muna sa—”
“That’s bullshít! Kaarte mo! Nagmamadali tayo, kaya rito ka na magbihis, okay!” gagad niya, kaya sinunod ko na lang siya. Napalulunok akong hinubad ang puting bestida ko dahil panaka–nakang sumusulyap si Sir Vandave sa akin. Isinuot ko na ang bigay niya at eksaktong–eksakto ito sa katawan ko at inilugay ko na ang buhok ko.
“Gaganda ka rin naman pala kapag mag–aayos,” asik niya, ngunit hindi na lang ako umimik. Ipinasok niya ang kotse sa subdivision at huminto kami sa malaking mansyon. “Galingan mo ang pagda–drama mo dahil haharap tayo kay papa,” pahayag niya dahilan upang manlaki ang mga mata ko.
“Ba–Ba’t hindi mo agad sinabi na—”
“Hayan ka na naman!” segunda niya, kaya nanahimik na lang ako. Binuksan niya ang pinto at bumaba na kaming dalawa, dala ang lalagyan ng files niya. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at pinagbuksan kami ng guard ng gate at tinungo na namin ang loob. “Where’s, papa!” tanong niya sa katulong.
“Nasa pool po, Sir,” sagot nito.
Tinungo namin ang pool at nagbabasa ng magazine si Sir Divo. At sana’y ‘di ako nito makilala.
“We’re here, Papa!” saad niya at humalik kay Sir Divo.
Kabadong–kabado naman ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
“Ma–Maganda—”
“My wife, Pa,” agaw ni Sir Vandave sa akin.
“Have a seat,” ani Sir Divo. Uupo na sana ako nang kandungin ako ni Sir Vandave, kaya nahhiya tuloy ako kay Sir Divo. “You said, she’s your wife? At kailan pa kayo ikinasal? Baka, gawa–gawa mo lang ito dahil sa mamanahin mo,” matigas na saad pa nito.
“No, Papa. Hindi ito gawa–gawa dahil totoong nagpakasal kami ni Gabriella dahil naisip ko na tama kayo, and look!” sambit ni Sir Vandave na ipinakita ang daliri naming may suot na singsing.
“Hindi ‘yan sapat na katibayan, Hijo dahil puwedeng bilhin ‘yan. At ikaw naman, Hija, sinakyan mo naman ang kalokohan ng anak ko,” gagad ni Sir Divo sa akin.
“Mahal ko po ang anak ninyo, kaya nagpakasal ako sa kanya. At totoo po na ikinasal kami, Sir,” pahayag ko at lihim akong napalunok nang halik–halikan ni Sir Vandave ang leeg ko.
“Ito ho, Papa para maniwala kayo. Since nasa tamang edad na kami ni Gabriella ay kaming dalawa lang nagpakasal sa huwes,” wika naman ni Sir Vandave at kinuha ni Sir Divo ang marriage contract marriage sa brown envelope, dahilan upang manlaki ang mga mata nito.
“Is this true, Hijo? Wow, you nailed it at bigyan n’yo ‘ko ng maraming apo! At natutuwa ako, Hija na napagbago mo anak ko,” masayang sambit nito at niyakap kami. “Rito na kayo matulog at magpahahanda ako ng masarap na foods,” dagdag pa nito at pumasok na kami sa loob.
“Sa kuwarto muna kami, Papa nang makagawa na agad kami ng apo n’yo,” ngisi ni Sir Vandave at hinila ako patungo sa kuwarto, sabay pahiga sa akin at kinaibabawan ako.
“Sa–Saglit lang po, Sir. Wa–Wala naman sa kontrata natin ang magse—magséx, ‘di ba? At fake ang kasal na—”
“f**k, Gabriella! f**k!” halos pasigaw na aniya. Kinuha niya ang kontrata namin at ibinigay ito sa akin at binasa ko ang nilalaman nito. “Totoong kasal tayo at ‘di ‘yon fake! Nandiyan lahat ang mga gagawin nating dalawa sa pinirmahan mo! Magsasama tayo ng six months and We’ll have séx everyday, every night, as long as I want at kung saan ako aabutan ng libóg!” matigas na saad niya at napatda naman ako sa mga nabasa ko.
Totoo nga ang kasal namin ni Sir Vandave na inakala kong fake kanina. At pagkatapos ng six months contract ay pipirma ako ng divorce para makuha ko ang limang milyon.
Ngunit ang nagpagimbal sa akin ay magsisiping kami na ‘di ako puwedeng mabuntis.
Pero, paano kung nangyari ‘yon? Pananagutan niya ba ako?