GABRIELLA'S POV “A–Anong asawa mo ang anak ko? Anong pinagsasabi mo!” gagad ni tatay kay Vandave, at tumingin sila sa akin. “Mag–asawa po kami ni Margarette, Itay. At patawarin n’yo kami kung nili—” “Walang hiya ka!” sigaw ni itay na binigwasan ng suntok si Sir Vandave dahilan upang matumba siya sa semento. “Niloko n’yo kami, kaya pala nakapagtataka na nakapagtayo ka ng ganitong kalaking bahay, Gabriella! At ‘yong bill sa hospital, si Vandave rin ba gumastos ng lahat ng ‘yon, ha!” baling sa akin ni itay dahilan upang tumango ako. “Walang híya kang anak!” bulalas ni tatay na sasampalin na naman ako, subalit mabilis na humarang si Sir Vandave, kaya siya ang natamaan. “Umalis ka riyan!” asik pa nila. ‘Sabi ko naman sa inyo na ako ang saktan n’yo, at hindi si Gabriella. Ang kasalanan

