Kinabukasan, habang nag lalakad akong mag isa dito sa covered walk ng campus ay may kakaiba na agad akong napansin sa paligid. Pinasadahan ko agad ng mga daliri ko ang buhok ko at pasimpleng hinaplos ang mukha ko. Teka! Anong meron sa mukha ko? Bakit ganito sila makatingin? Nakakairita! Sh*t! Nag patuloy lang ako sa pag lalakad at nag kunware na walang pake sakanila. “Sya yan diba?” narinig kong bulong ng isang babaeng naka tayo sa gilid ng covered walk Sinadya kong bagalan ang pag lalakad ko. Gusto kong marinig ang pinag uusapan nila dahil sigurado akong tungkol yon sakin. “Oo sya nga!” sagot naman ng kasama nya “Oh my god! Totoo kaya yon” “Mukha lang siguro syang mahinhin pero alam nyo na kung sino pa ang mahinhin sila yung- alam nyo na” saka pa sila humalakhak Mariin ko silang t

