Pag mulat pa lang ng mga mata ko, ang nakangising si Prixon na agad ang bumungad sakin. Nakaupo sya sa kama at may hawak syang isang bouquet ng sun flowers. Lumapit ang mukha nya sakin at hinalikan ako sa noo. Napangisi ako sa ginawa nya. “Mabuti at gising ka na- Flowers?” Bumangon ako para sana kunin ang bouquet. Natigilan ako ng ma-realize ko na ako na lang pala ang walang sablot saming dalawa. Uminit tuloy ang pisngi ko. “Ito na lang yung isuot mo” may isang paper bag syang inabot sakin “A-ano to?” “Isang set ng damit” “Anong oras na pala?” “Uhmmm. Around 6 pm na” Nanlaki ang mga mata ko “Wha- Sh*t!” Mabilis akong tumayo bitbit ang paper bag na bigay nya at yung kumot na nakabalot sakin. Kumunot ang noo nya “Why?” “I need to go home! Siguradong kanina pa ko hinahanap ni kuya!

