Kabanata 25: Courting her

1542 Words
"Sige kuya una na ko" paalam ko kay kuya William, habang inaayos nya ang kanyang motor sa parking lot "Sige. Pag-aaral muna unahin, huh? Saka na yung pag bo-boyfriend!" Halos araw-araw nyang sinasabi ang mga katagang iyon. Dati tinatawanan ko lang sya pag sinasabi nya yon sakin pero this time may kirot na sa dibdib ko tuwing naririnig ko iyon galing sakanya. "Finally you're here" Agad akong napalingon ng marinig ko ang familiar na boses na yon ni Prixon. Nakapamulsa ang dalawa nyang kamay habang nakatayo sya malapit sa student center namin. Nakangisi na sya ngayon, ibang-iba sa hitsura nya nung isang araw. "Prixon? A-anong ginagawa mo dito?" "Dinalan lang kita ng gatas" aniya saka nya iniabot sakin ang isang bear brand na sterilized "Mainam 'to sayo" dagdag pa nya "S-salamat. Pero hindi mo na ko kelangan dalan nito-" "Kelangan. Basta masanay ka na lang okay?" hindi pa din mapawi ang pag ngisi nya Para syang tanga! San ba ko dapat masanay? Sa mga binibigay nya sakin o sa plastik nyang pag ngisi o baka naman sa pag babait-baitan nya? Hindi ako sanay na ganyan sya. kainis! Hindi ko tuloy sya matarayan! Hindi na ko umimik. Hindi ko na kase alam ang sasagot ko. "Sige papasok na ko, babalik na lang ako dito ng lunch" dagdag pa nya Nanlaki ang mga mata ko "Ha? Babalik ka pa ng lunch?" Ngumisi sya sakin "Oo. Sabay na tayong mag lunch para mabantayan ko yung mga kakainin mo" "Kelangan pa ba yon?" Ang OA ah? "Syempre naman. Sige mamaya na lang" Nilagpasan na nya ko at nag simula na sya sa pag martsa. Nag kibit balikat na lang ako. Ang awkward na naman non. Kelangan ba talaga maging ganon sya sakin? Kelangan ba talaga pati pag kain ko bantayan pa nya? Tsss! Kerry ko ba talaga 'to!? Grrr. Class dismissed na. Kasabay kong nag lalakad sila Janelle papunta sa cafeteria. Nawala sa isip ko ang sinabi ni Prixon na pupunta sya dito ng lunch kaya halos lumuwa ang mga mata ko ng bigla na lang syang sumulpot sa harapan namin kasama si Paolo. "Uy. Prixon, Paolo? Anong ginagawa nyo dito?" tanong agad ni Leni "Pwde ba ulit kaming sumabay kumain?" nakangiting aso na sabi ni Prixon "Aba! Oo naman" mabilis na sagot naman ni Janelle na kumapit pa sa braso ni Prixon Napailing na lang ako saka nag patuloy sa pag lalakad. Kakaiba sya ngayon. Pinipilit ba talaga nyang maging mabait? Tsss.. Di bagay! "Tulungan na kita dito" nataranta pa ko ng konti ng bigla nyang kinuha ang paper bag na dala ko "Ano ka ba? Wag na. Baka kung ano pang isipin nila" bulong ko sakanya "Hindi ka dapat nag bubuhat ng mabibigat, delekado para kay baby" bulong naman nya pabalik sakin Hala. Ang OA talaga nya oh? "Eheeeem!" Pag ubu-ubuhan ni Janelle Namutla ako. Teka! May nakarinig ba sa sinabi nya? Sabay kaming napalingon sa bandang likuran namin kung san nag lalakad ang mga kasama namin. Punong-puno ng pag dududa ang mga tingin nila kaya mabilis ko ulit inagaw kay Prixon ang paper bag ko. Kainis naman kase. Ano ba kaseng ginagawa nya? Nag dududa na tuloy sila Janelle samin. Nang makarating na kami sa cafeteria, naupo ako sa bandang dulo at agad naman tumabi sakin si Prixon. Nanlaki agad ang mga mata ko. Pinag masdan ko sila Kath na nakaupo sa tapat namin. Punong-puno talaga ng pag dududa ang mga mata nila. Sh*t! Gising-gising ang ulam na in-order ko. Ganito ba talaga pag nag lilihi? Hindi ko na kase makain ngayon ang tokwa, parang ayoko ng amoy nya di tulad dati na gustong-gusto ko 'tong kinakain. Isa-isa kong inilagay ang tokwa sa gilid ng plato ko. "Ayaw mo ng tokwa?" tanong pa ni Prixon sakin Umiling ako sakanya "Ayoko ng amoy ngayon ng tokwa" bulong ko sakanya "Sige ako na lang kakain nyan" aniya saka nya isa-isang kinuha ang tokwa sa plato ko Nawala ako sa ulirat. Oo nga pala may mga kasama nga pala kami! Agad ulit akong bumaling ng tingin kay Kath, Leni, Janelle at Paolo. Naka-kunot ang noo nilang nakatingin samin ni Prixon. Kitang-kita sa mga mata nila ang madaming katanungan. "May dapat ba kaming malaman?" deretsahang tanong ni Kath samin Nasamid ako at napa-ubo. Ang sakit! Parang bumara pa yung kanin sa lalamunan ko. Nataranta naman si Prixon kumuha agad sya ng tubig at pinainom sakin. Ininom ko agad ang tubig, habang hinihimas pa nya ang likuran ko. Sa bawat himas nya sa likuran ko tumitindig talaga ang balahibo ko. F*ck! "Ayos ka lang?" Tumango lang ako sakanya. Medyo inuubo pa ko. Tumingin ako kay Kath, nakatitig sya sakin na para bang hinihintay pa din nya ang sagot ko. "Mukhang may dapat nga tayong malaman" dagdag pa ni Leni "H-huh? A-ano bang sinasabi nyo?" kabado na ko "Pwede ba! aminin nyo ngang dalawa samin ngayon, kung ano ba talagang nanyayare sainyo?" bulyaw pa ni Janelle samin Halos malaglag ako sa upuan dahil sa sinabi nya "Ano bang ibig mong sabihin?" "Are you dating or something!?" Prangkang tanong ni Kath samin. Oh my gosh! Halos mabitawan ko pa ang hawak kong kutsara at tinidor bigla kaseng nanginig ang mga kamay ko. Nilingon ko si Prixon na seryoso naman ang mukhang nakatingin din sakin, habang naka half open pa ang labi nya. Sabi ko na nga ba ganito ang manyayare eh! Kinagat ko na lang ang labi ko. Nasapo ko ang sariling noo at mariin napapikit. "Yes, we're dating!" Agad naagaw ni Prixon ang atensyon naming lahat. Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa sinagot nyang yon. Nababaliw na ba talaga sya? Bakit nya yon sinabi? Leche naman talaga! Mamaya ka sakin. Kakalbuhin talaga kita! "K-kung ganon nag da-date talaga kayo?" tanong ni Janelle na halata pa din ang pag ka-shock "I'm actually courting her" seryosong sabi pa ni Prixon What the heck! Parang gusto ko syang bitbitin at itapon ngayon. Ano bang sinasabi nya? Parang hindi ko na kaya 'to, gusto ko na lang tuloy lumubog ngayon dito sa inuupuan ko! "Really? Kelan pa?" Pag usisa ni Paolo "Ngayon lang" nakangising sagot pa nya Napailing naman akong bigla kela Paolo "Mali kayo ng iniisip!" Sinapak ko agad ang dibdib ni Prixon "A-ano ba kaseng sinasabi mo Prixon?" "Sinasabi ko lang na nililigawan kita" sagot nya bago sya nag patuloy sa pag kain "We're happy for you guys!" hilaw ang ngiti ni Janelle "Eh?" Ako yata ang mababaliw sa mga to! "K-kung ganon okay lang sainyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Prixon "Oo naman!" Si Leni ang sumagot "Pero sana hindi muna 'to malaman ng kuya ni Wincess" Nilingon ko agad sya dahil sa sinabi nyang yon "P-Prixon" "Bakit naman?" Si Kath "Uhmmm. Alam nyo naman diba? Hindi kami okay ng kuya ni Wincess kaya siguro hindi pa nya dapat malaman" "Sabagay may point ka dyan. Okay sige. Makakaasa ka na hindi 'to malalaman ng kuya ni Wincess. Diba girls?" Si Janelle "Of course!" sabay na sambit naman ni Kath at Leni Nilingon ko ulit si Prixon, nasakin na ngayon ang tingin nya. Napangiwi ako ng ngumisi sya at kindatan ako. BAHALA NA NGA! "So, pano? Babalik na kami sa faculty namin" paalam pa ni Prixon ng matapos na kaming kumain "S-sige!" Dahan-dahan pa syang lumapit sakin saka nya inilapit ang mukha nya sa bantang tenga ko. "Pag nag ka problema o pag may kelangan ka itext mo lang ako okay?" Tumindig ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga nya rito. Halos hindi tuloy ako makapag salita dahil feeling ko may kung anong nakabara sa lalamunan ko kaya tumango na lang ako sakanya. Ngumisi pa sya sakin saka nya ko bahagyang tinapik sa balikat at tuluyan na silang umalis ni Paolo. Humarap ako kela Kath, naka halukipkip pa silang tatlo, habang nakatitig sila sakin. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin nila siguradong gusto nila kong usisain ngayon ng tungkol samin ni Prixon. Ningitian ko lang sila. Hilaw na ngisi. "So, kelan nag start ang lahat?" Si Leni "Actually h-hindi ko din alam kung pano at kung kelan nga ba talaga nag start ang lahat" "Pwde ba yon? Siguro nag start yon nung madalas syang mag punta dito no?" Sabi ni Kath "Kainis! Akala ko talaga non ako ang gusto nya at ako din ang pinupuntahan nya dito!" Ngumuso si Janelle "I-I'm s-sorry Janelle" "It's okay! Dun na lang ako sa kuya mo o kaya dun kay Franco" kinikilig na sabi pa nya. Bilis mag move on! Hindi ko maamin sakanila na nag start ang lahat nung gabing nasa bar kami. Baka kase may mabuo pang idea sa isip nila maging dahilan pa para mapahamak ako. Sana maging ganito na lang din kadali kapag inamin namin kay kuya ang lahat. "Pero diba may girlfriend si Prixon?" singit pa ni Kath "Oo nga pala! Diba nung nag laro sila ng basketball kasama pa nya yung girlfriend nya?" dagdag ni Leni "A-ah yun ba? W-wala na sila" "Talaga? Ang bilis naman" "Siguro na realize lang talaga ni Prixon na si Wincess talaga ang gusto nya kaya sila nag break!" humalakhak pa si Kath Nag kibit balikat na lang ako sa sinabing yon ni Kath. Sorry girls pero hindi ko pa kase pwdeng sabihin ang lahat sainyo. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD