WARNING MATURED CONTENT!!! SUPER HOT AND WILD SCENES WITH EROTIC AND VULGAR WORDS!!! READ AT YOUR OWN RISK!!! HER POV "Natatakot ako Greg, parang nauulit na naman ang dati," rinig niyang sabi ng mommy Florinda niya kay Atty. Mendez, papasok na sana siya sa dining area nila para kumain ng pananghalian ngunit napatigil siya at nagkubli sa pader na naghahati sa malapad nilang sala sa dining area. "No, it can't be Flor, lumaban ka, it is your damn right! Nandito lang ako, tandaan mo iyan," ganti naman ni Atty. Mendez. "Kaya nga ito ang kinatatakutan ko, Greg, ang masaktan muli, I was a failure, natatakot na akong sumubok muli, alam mo kung paano ako nagdusa dati, hindi ko na kakayanin pang masaktan muli," malungkot na sabi ni mommy Florinda. "Don't say that, I am just here, hindi kita

