WNWMSD 35- MEET THE STEP-GRANDMA OR MAMA-IN-LAW

1129 Words

"Mano po, ma," rinig niyang sabi ni Alexis sa ina at kinuha agad ang kanang kamay nito upang magmano. "Kawaan ka ng Diyos, anak," rinig niyang sagot din ng ina habang siya ay nasa likuran pa ni Alexis, nagdadalawang isip kung magmamano din ba o hindi. Sa huli ay ginawa niya rin ang ginawa ni Alexis na pagmano ngunit hindi siya nagpakawala ng mabining pagbati kung hindi isang matamis na ngiti lang ang kanyang ibinigay sa mama ni Alexis na biglang nakatuon sa kanya ang tingin na parang na bato balani. "Ma, meet my stepdaughter, Aubrey, Florinda's only daughter," rinig niyang pagpapakilala sa kanya ni Alexis na kalmado lang na hindi tulad niya na sa loob loob ay kabado at may kasamang nerbiyos. Daig niya pa ang nararamdaman ng babaeng syotang ipinapakilala sa magiging manugang nito o moth

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD