HER POV "Welcome to our safe haven, Rey!" umalingawngaw ang baritonong boses ni Alexis pagkatapos nitong tanggalan ng piring sa kanyang mga mata. Pagkatapos kasi siya nitong kaladkarin palabas ng venue ng expo solidarity night ay basta-basta na lang siyang pinasok sa kotse nito at pinirangan sa kanyang mga mata at pati na rin ang kanyang mga kamay at mga paa ay walang pag-aatubiling tinalian din ni Alexis. "Anong ibig sabihin nito, Alexis? Bakit mo ako ginapos at piniringan?" naalala niyang himutok niya kanina, buti na lang ay hindi nito tinakpan ang kanyang bibig. "Of course, hindi ba obvious my dear stepdaughter, gusto kitang masolo, at alam ko na hindi ka papayag, kaya't kinidnap na kita!" deretsa nitong sabi. "Walang hiya ka talaga, isusumbong kita kay mommy, may asawa kang tao at

