Her POV "Rey, papasok muna ako sa loob ha, I will just check if okay na ba iyon reservation natin, mukhang ang daming tao yatang kumakain sa loob," turan pa ni Mark ng maihinto na nito ang kotse sa parking space ng restaurant. "Samahan na kita," pigil niya sa binata. "Huwag na, Rey!!! Dito ka na lang, mapapagod ka pa, isa pa ang taas ng heel mo, baka kasi hindi tayo matuloy sa loob, sayang naman," giit pa nito. Nagkibit balikat na lang siya sa sinabi ni Mark. Totoo naman din na mapapagod lang siya paglalakad sa loob kung hindi sila matutuloy sa loob. Gutom na siya at parang wala na nga siyang lakas pa na makipagbangayan pa sa binata. Naiwan siya sa loob ng kotse. Naghintay siya ng ilang sandali. Akala niya ay babalik agad si Mark ngunit nag-aalburoto na muli ang kanyang tiyan ay walan

