HER POV "Uhmnnn...mmmm... hmnp... ang sarap naman, babe," anas niya habang walang tigil sa paghagod ng mga palad ni Alexis sa likod niya. Tunay ngang nakakawala ng pagod at may mahikang dulot ang paghilot sa kanyang katawan ni Alexis. Narelax siya kahit papaano at nakadama ng ginhawa. Bagama't nakikiliti siya at may hatid na init sa kaibuturan niya ang madikit ang palad ni Alexis sa kanyang balat ay tunay namang napakagentle ni Alexis sa kanya at hindi naman humiling na may mangyari sa kanila. Hindi niya na nabatid kung ano pa ang huling nangyari dahil ginupo na siya ng antok. Ang gaan gaan ng kanyang pakiramdam na tila lahat ng sakit sa kanyang kasukasuhan ay natanggal. Hindi na nga niya namalayan kung ano pa ang ginawa sa kanya ni Alexis dahil nahimbing na siya sa pagtulog kahit mamas

