Her POV Sumapit ang tatlong araw na hinihingi niyang palugit kung tatanggapin niya ba ang suhestiyon ng mommy Florinda niya na siya na ang magpapatakbo ng kumpanyang iniwan ng daddy niya. Sa ikalawang araw nga ng pag-alis ni Alexis at pagsunod din ng mommy niya ay wala siyang ibang ginawa kung hindi magmokmok sa silid niya at kung ano ano na ang eksenang tumatakbo sa isipan niya kung ano na nga ba ang ginagawa ni Alexis at mommy niya. Panay ang sipat niya sa kanyang telepono baka tatawag sa kanya si Alexis og magtetext ngunit lumipas na lang ang buong araw ay walang Alexis na nagparamdam sa kanya. Hindi niya mapigilang maawa sa sarili at mag-isip na para siyang basahan na pagkatapos gamitin ng ilang beses ay basta-basta na lang iwan kahit hindi naman ganoon ang ginawa sa kanya ni Alexi

