HER POV Nagbihis lang siya ng walking shorts na maong at knitted top na kulay rosas pagkatapos niyang magshower kaya't litaw na litaw ang mapuputi at makininis niyang binti at pati na rin ang mga kamay niyang malaporcelana na hindi mo aakalain na bitak sa trabaho sa America. Hindi na kailangan pang manatili at magtago sa loob ng kanyang silid dahil wala na siyang kawala kay Alexis pupuntahan at pupuntahan pa rin siya sa silid niya. Nagbanta pa ito kanina na kailangan niyang sumabay sa hapunan ngayon sa komedor at magpakita sa ina dahil dumating na nga ito mula sa biyahe. Hindi pa rin pala natitigil at napipirmi ang kanyang mommy tulad pa rin pala ng dati noong nabubuhay pa ang kanyang daddy.Palagi lang out of town at out of the country sa iba't ibang commitments nito bilang isang fashio

