7 years ago....
"I love you Alexis!Alexis for the win, Alexis... Alexis...Alexis," malakas na sigaw niya pagkatapos magbigay ng talumpati ang kanyang ultimate crush.
Nandito siya ngayon isa sa mga madlang estudyante na nanonood sa general rally ng mga partido na tumatakbo para sa iba't ibang posisyon para sa student government ng university.
She is a freshman student taking up the course Business Administration balak niya kasing sundin ang yapak ng ama na maging isang matagumpay na business owner.
"Rey, hoy ano ba nakakahiya ka, tingnan mo lumingon na dito sa atin si Mr.President," saway sa kanya ni Mia, ang kanyang close friend na kaklase niya rin.
"Haist, mabuti nga iyon para mapansin niya naman itong beauty ko nuh!" she mused.
"Tsskkk...aywan ko sa iyo friend, hindi ka niyan mapapansin tingnan mo naman kahit saan iyan pumunta laging nakasunod iyong gf niya, tingnan mo nga," palatak pa ni Mia sa kanya na inuwestra pa ang kamay paturo sa direksyon ng crush niya.
"Iyan lang ba, so easy! hindi pa naman sila mag-asawa so puwedeng puwede pa ako kay crush," pampalakas niya sa loob niya.
"Hay naku, rey!so ano plano mo aagawin mo si Mr.President sa gf niya?" nagtatakang tanong ni Mia sa kanya.
"Exactly, remember what Aubrey wants, Aubrey gets! he will be mine by hook or by crook!" pinal niyang sabi.
"Good luck na lang sa iyo friend, pero payong kaibigan lang, is he really worth it?sigurado ka na ba diyan sa feelings mo sa kanya o baka naman infatuation lang iyan?" Mia said.
"Sigurado na ako Mia, he is the one, hindi ko lang siya crush, I think I am in love with him,"she said with eyes full of desire.
"Lokaret ka nga talaga rey! O, tingnan mo tapos na ang rally puwede na tayo bumalik sa klase natin, halika na!" hila pa sa kanya ni Mia.
"Wait, wait Mia, ikaw na lang pumasok sa klase natin ky Mr.Sanchez, I have some important things to do," pagdadahilan niya pa.
"At saan ka na naman pupunta?ano na naman plano mo? ikaw na babae ka, huwag mong sabihin....?" mahabang katanungan sa kanya ni Mia na hindi niya na pinatapos pa.
"I'll go chase my future, my crush, my President, Alexis Montemayor," masaya niyang sabi.
Agad na siyang humakbang palayo sa kaibigan at hindi niya na hinintay ang sasabihin nito.Bukod sa gusto niyang habulin ang crush niya ay tinatamad din siyang pumasok sa klase ni Mr.Sanchez na boring at malamya kung magturo.
Pumuhit siya paharap muli sa kaibigan at kumaway.Agad din siyang tumulin na sa paglalakad papunta sa malapit na banyo bago siya tutuloy sa Office of the School Council.
Tumungo muna siya sa banyo dahil pakiramdam niya ay lagkit na lagkit na ang buo niyang katawan sa pawis dahil sa pakikipagsiksikan sa mga estudyante kanina sa quadrangle.Gusto niya ring magretouch at paulanan ang sarili ng pabango.
Kailangang magandang maganda at mabangong mabangon siya bago haharap sa kanyang ultimate crush na si Alexis Montemayor na kasalukuyang vise presidente ng student council.At kung papalarin ay mananalo sa pagiging student president ngayong taon.
Hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na ito upang makaharap mismo ang binata sa opisina nito.Mahigit tatlong buwan na rin niyang sinusundan ang binata magmula nag makita niya ito noong nag-enrol siya sa university.
Ito mismo kasi ang nag-assist at nag-guide sa kanya sa enrolment process.Unang kita niya pa lang sa binata ay agad na may kakaiba na siyang naramdaman na pagtangi.
Sumikdo at rumerigidon sa pagtahip ang puso niya na hindi niya maintindihan.Ni minsan hindi siya nakaramdam ng ganun sa mga lalake na nakasaluma niya sa senior high school days niya.
Simula ng araw na iyon ay hindi na nawaglit sa puso't isipan niya ang binata.Naging mas makulay pa ang mga araw na nagdaan dahil excited siyang pumasok sa university upang masilayan ang binata.
Palagi niya itong sinusundan saan mang sulok ng university.At hindi pa doon natatapos ang kahibangan niya sa binata dahil nagsaliksik pa siya tungkol sa personal na buhay nito.
Kaya lang hindi siya mismo makalapit sa binata dahil magkaiba ang kanilang class schedule.Nasa huling taon na ng binata sa kursong BS Political Science at siya naman ay nagsisimula pa sa kolehiyo.
Nang pumasok siya sa banyo ay may mga nakapila na rin mga estudyante na walang tigil sa kwentuhan.
"Basta for the win pa rin si Papa Alexis, ang gwapo kaya niya!" tili pa ng isang babae.
"Hindi lang gwapo, napakayummy super talino pa, agree?"!sabi pa ng isa.
"Agree ako diyan, kaya crush na crush ko si Mr.President,haist akin ka na lang Alexis," saad pa ng isa na tila nangangarap ng gising.
"Gagers may syota na iyon, hanggang pantasya na lang tayo, pero siya talaga ang iboboto ko!" sabi naman ng isa.
"Me too,apir!" saad naman ng isa na inuwestra pa ang isang kamay sa taas.
Nag-apiran naman at naghagikgikan.Nang matapos gumamit ng banyo ay sabay ding lumabas.
Sinadya niyang magpahuli sa paggamit ng banyo dahil marami pa siyang beauty rituals na gagawin.Bukod sa lumiban siya sa klase niya kay Mr.Sanchez ay free time niya na buong maghapon.Wala na siyang klase kaya masasagawa niya ang plano niyang pakikipaglapit sa binata.
This is her third month being obsessed with Alexis Montemayor.Kung sa nagdaang mga buwan ay nakokontento na lang siya tanawin ang binata sa malayo, ngayon ay makikipagsapalaran na siyang makalapit dito at baka sakaling masungkit niya ang puso nito.
Unlike many girls dito sa university na crush nga si Alexis ngunit hindi na ang mga ito lumalapit sa binata dahil may girlfriend na nga ito.Puwes ibang iba siya.She will fight for what she wants and she wants Alexis so badly.
Kung kinakailangan niyang magpakita ng motibo dito ay gagawin niya.She will grab every chances and opportunities upang makalapit at mapaibig lang ang binata.
She is damn desperate.She craves for Alexis.Wala pa siyang ginusto na hindi napasakanya.She is Aubrey Lacsamana, the only princess of her daddy Samuel.Sanay siyang binibigay sa kanya ng lahat ng luho ng ama.
And having Alexis by her own is a priceless luxury that she swear that she will move mountains just to quench her wild thirst for her ultimate crush that became her obsession for some months already.