"Florinda, maaari ba kitang makausap?" sabi niya pa ng iilan na lang ang tao sa reception hall. Hindi pa umuuwi si Florinda dahil nakikipagkuwentuhan pa ito sa mama Belinda niya.Si Atty. Mendez naman ay maagang nagpaalam dahil may kikitain daw itong kliyente.Ang ibang board members at pamilya nito ay nagsipag-uwian na rin. Sa lunes na ang unang araw niya bilang bagong gobernador ng probinsiya ng Quezon. Malaki ang kumpiyansa niya na magiging maayos din ang panunungkulan niya sa tulong na rin ng lahat ng opisyales na nahalal sa iba ibang posisyon. Hindi naman mahirap sa kanya ang pamunuan ang isang organisasyon kung lahat ay nakikiayon sa kanyang adhikain. Ngunit alam niyang imposibleng mangyari iyon, hindi lahat sasabay o makikiuyon sa kanya, mayroon talagang erehes o opisisyon. Mas ka

