HER POV "Miss Aubrey, salamat at gising ka na! Sobrang nag-alala ako sa iyo ng makita kitang dinugo at nawalan ng malay sa opisina mo," turan pa ni Rhodora, sekretarya niya sa harapan niya. Habol habol ang hininga niyang nauligan ang boses ng maibuka niya ang kanyang mga mata. Mabuti na lang ay pananginip lang pala ang lahat at hindi totoong nadisgrasya siya sa daan habang nagmamaneho. Napapikit siya muli sa kanyang mga mata bago idinilat muli at sinimulang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita ngunit biglang bumura ang kanyang lalamunan kaya't napaubo siya. Bigla namang lumapit sa kanya ang kanyang sekretarya at sinikap siyang pagdulutan ng tulong ngunit sumenyas siya na okay lang siya. Sinikap niyang bumangon ngunit bigla siyang nataranta ng mapag-alamang may suhero siya sa kanyang

