"I am not yet hungry, yaya! Mamaya na lang siguro ako kakain," tanggi niya sa paanyaya sa kanya ni Yaya Meding isa sa kanilang kasambahay na halos ilang taon ng naninilbihan sa kanila kahit nasa ibang bansa siya. Ilang beses niya ng tinanggihan ang lahat ng mga katulong na pabalik-balik sa kanyang silid.Hindi dahil sa busog pa siya kung hindi ay natatakot siyang makaharap si Alexis.Dati ay excited pa siyang makita ang binata ngunit pagkatapos ng nangyari kagabi ay may pag-alinlangan sa puso at isipan niya kung paano pakikitunguhan si Alexis na siya pala ang batang-batang stepdaddy niya. Nakumpirma niya kagabi na si Alexis Montemayor nga ang kanyang stepdaddy dahil kinausap niya si Yaya Meding at nag-usisa siya ng patungkol sa asawa ng kanyang mommy.Nang binanggit nga nito ang buong panga

